Gusto ko lang ng ma REALTALK ako
Hello, need ko lang ng advice nyu or ma realktalk lang sana.
Storytime:
May party kasi sa family side ni hubby M(34), me F(29). Thanksgiving sa pinsan ni hubby nka pasa ng board(EE).Yung tita ni hubby(bali itong tita ni hubby hindi sila yung ng celebrate doon lang sa bahay nila ng party kasi malaki yung area at common house din). Share ko lang itong tita ni hubby parang dati palang hndi na ako gusto, ciguro kasi hndi ako maganda mataba, madaming insecurities sa katawan, pero hndi ito big deal sa akin. Tanggap ko sarili ko kahit ganito itsura ko. Pati lola ni hubby gusto nila yung ex, kasi maganda naman kasi bagay sa hubby ko(pero yung hubby ko gwapo daw nong kabataan nya, pero kinulang lang sya sa height). Ng send pa ng pictures yung tita ni hubby kasama yung ex. Sa isip ko bakit ng send pa ng pictures eh alam naman nila cguro may asawa na yung tao. Pero hndi ako ng selos kahit pangit ako I know my worth(char).
Pero balik tayu sa party, ganito kasi naramdam ko na parang hndi ako welcome, kasi yung kukunin ko sana yung kamay ng tita nya para mg mano parang ayaw ibigay na pilitan nlang cguro sya. Pero nevermind na din yun sa akin. Baka na busy lang kasi may mga bisita na.
Pero yung time na kakain na, sinabihan kami na mamaya nlang kayu. Kasi madami pa daw bisita. Parang nan liit ako, purket hndi kami nka tulong mg prepared mg entertained ng bisita ganun nlang tlaga. Para kami mga iwan doon ng mga anak ko. Nasasaktan ako hndi sa sarili ko, pero nasasaktan ako para sa mga anak ko kasi yung mga pamilya ng asawa ayaw sa akin nadadamay mga anak ko.
Gusto ko lang sana mg realktak kung OA lang ba naramdam ko. Kasi hndi lang ito isang beses nangyari sa akin. Madami na parang napilitan lang sila pakitang tao lang.
Gusto ko umalis sa lugar na ito, kaso mahirap.
Pacensya na sa grammar ko, hirap mg tagalog 😊