u/kopi-ko

Paano ko ba sisimulan/gagawin lahat ng yun?

Hi, gusto ko lang i-rant ito at ng mailabas ko na rin sya sa damdamin ko. 2nd job ko naman 'to pero for HR Assistant (Recruitment and Regulatory) position, ito ang una. 3 months palang ako sa position ko, at aminado ako na hindi ko pa naman gamay ang lahat especially payroll. Plus, naiwan na ako mag isa sa hr dept. kasi yung hr specialist namin, nag resign na and last day nya kahapon. Hindi ko lang ma-gets sa management, alam na mag reresign yung tao pero hindi nila ako inadvisan na mag hanap ng bago. Kumbaga bagsak sa akin lahat, yes alam ko namang dahil hr ako pero damn ang expectations ba in 3 months or 2 weeks notice ng hr specialist namin matututunan ko na agad lahat? Hay ewan. Sorry kasi natatakot ako sa totoo lang na naiwan ako mag isa. And anyone who can guide me on how to do better sa payroll? Pls jusko.

reddit.com
u/kopi-ko — 5 days ago