u/lonestraycat_

ADV 160 New Chassis

Hi all!

Ask sana ko guys, yung ADV 160 Version 2023. Nagasgasan yung side fairings ko, and medyo kita na yung black niya.

Balak ko sana palitan nung bagong labas na chassis nung ADV 160 2026, pasok at kaya maikabit sa ADV 160 2023?

Baka may nakaka-alam guys :( Salamat po!

reddit.com
u/lonestraycat_ — 9 days ago

How to convince your partner

Problem/Goal: I am 27M, and may gf na 26F, ako lang nagw-work at kumikita sa aming dalawa, hindi na siya nag work dahil maraming naging upset and frustration sa mga naging work niya. 3 years na siyang unemployed, 3 years na kong employed.

​

Naka-ipon naman ako, pero pakiramdam ko hindi sapat, nap-pressure ako dahil nage expect na rin parents niya ng assurance sa akin (wala rin kasi akong bisyo, alak, or vices kaya good shot ako sa parents at live-in kami), and nagpaparinig na rin gf ko about marriage dahil mga kaibigan niya eh ikakasal/nakasal na.

​

Bilang breadwinner na rin, at nag susustento sa magulang pa rin pakiramdam ko hindi ko kaya. Parang ang hirap, mga ka-work ko tinanong ko kung magkano nagagastos pag kinasal/ikakasal, lahat sila puro 500k - 1.5m at kargo ng lalake lahat yun. (Wala naman akong parents na maasahan)

​

Pucha saan ko kukunin yon, isang hamak na corpo worker lang ako, tas may foreign trip pa kami this year, nagbigay ako ng 50k para may pang adb siya, tas biglang humirit na sa kanya nalang daw yun pang allowance niya sa trip namin 😭

​

Context: Yung gf ko kasi nawalan na ng pag-asa mag work kaya madalas puro computer lang at tambay sa bahay, good thing natuto siya magluto lately dahil napilit ko 😢 kaya weekly nagg grocery kami bali nagb budget ako ng around 2k weekly (ako rin nagb-budget, and finance namin dahil hindi siya marunong) kaya tambay siya madalas, puro fps games, ml etc hindi ko rin nga mapagkatiwala yung pera pang monthly bills sana namin, kasi last time nahuli ko siya nanlilibre ng mga kalaro niya (mga 20-23ish age bracket, young players) and minsan gumagastos din siya talaga ingame (known spender kasi siya sa community nila) dahil na rin nakakahingi siya ng pera sa magulang minsan sa akin, and noong may work pa siya grabe talaga spending habits niya so parang normal talaga na nanlilibre siya. Hindi ko rin alam, ang ironic nga na yung feed ng IG niya puro labas, concert, chill, vacation, mayaman vibes ganung feed pero wala siyang work. Madalas pag kumakain kami or nasa labas, naka focus agad sa mga ishashare niya sa IG, binibiro ko nga para siyang social media manager, anyway, para siyang clout chaser.

​

Problem: Ang hirap, paano ba dapat kong gawin? Paano niyo ico-convince yung gf niyo na mag step up, and strive sa buhay ng hindi sila mao-offend o masasaktan, na hindi na siya 18 or bata at mutual effort ang marriage life, madalas kasi pag bini-bring up ko yan, sinisigawan pa ko, madali rin siya magalit pag hindi ko nasusunod ang gusto niya. Sa estado ng bansa natin parang hindi kaya ng isang tao bumuhay ng pamilya eh, one sick away lahaaat. 😪

​

Help paano, kasi parang hindi sapat yung puro words and advice lang (Madalas naman ako mag open ng discussion, I always check on her din, kumbaga safe platform niya ko kaso feel ko ineffective talaga. 😟 Parang kailangan talaga ng external force na sumampal sa kanya at may makapagsabi. 😪

reddit.com
u/lonestraycat_ — 2 months ago