u/macaroni___salad

▲ 38 r/PHGov

Comparing CSE to Board/Bar Exam

Why do other people keep comparing Civil Service Exam (CSE) to other board exams like CPALE or LET and the Bar Exam. Lolll you guys can't compare them kung ano nga ba ang mas mahirap kasi magkaibang-magkaiba sila.

Ang CSE ay madali and at the same time mahirap.

Madali lang kasi basic lang talaga mga questions. Yung mga lessons mo sa Math, English, Science, etc. noong elementary at highschool, ganun lang. Para ka lang nagte-take ng college entrace exam. Nagiging mahirap lang ang CSE kasi although basic questions lang siya, pero very broad ang coverage niya. Meaning, lahat ng lessons mo since elementary sa Math, English, Science, at other subjects ay kailangan mong balikan at alalahanin if gusto mong makapasa kasi hindi siya specific.

Unlike sa board exams like CPALE or LET at Bar Exam na yung mga questions ay specified sa mga lessons na pinag-aralan mo for 4 years sa college/law school + review center. Kumbaga, dun lang sa concentration mo umiikot yung mga questions- na most likely tinututukan talaga esp during your review sesh.

Like for example may Algebra ang CSE and it's not jut about finding the value of x, marami itong subtopics na kailangan mong i-review ulit kasi possible siyang lumabas. Sa Bar Exam, iikot sa law ang questions pero walang Algebra. Sa CPALE syempre pang-Accountant na questions na wala naman sa CSE.

May mga kakilala akong board/bar passers na pero bagsak sa CSE when they tried taking it pandagdag credentials. This is because they did great and reviewed hard sa field/concentration na pinag-aralan nila BUT maybe they already forget those basic elementary-to-highschool lessons na meron ang CSE kaya they failed.

So yes, I don't think dapat silang i-compare kasi magkakaiba sila. CSE will make you question if solid ba ang foundation mo sa academics. Kung naalala mo pa ba ang lahat lahat since elem kahit pa the basics 'yan. Kung hindi ka nakikinig sa klase noon at pumapasok ka lang for attendance, most likely you will fail talaga.

reddit.com
u/macaroni___salad — 2 days ago

For me, Eat Bulaga >>> It's Showtime

Ever since bata pa ako, yung fam ko ay maka-Kapuso na talaga. I grew up watching Eat Bulaga na parang bang hindi kumpleto yung tanghalian namin kung hindi naka-on yung TV at nanonood habang nanananghalian. But since last year, we tried watching It's Showtime since nasa GMA na nga sila and after kasi non ay yung mga teleserye na nga na favorite ng mom and sister ko.

Here are the things na napansin ko sa It's Showtime and kung bakit ko nasabi na better pa rin Eat Bulaga:

  1. Sobrang daming hosts na nagkukumpulan pa sa stage.

- I noticed na sobrang daming hosts ng IS tapos nagkukumpulan silang lahat sa stage. Yung iba wala naman talagang ginagawa, parang decor lang. Well, marami rin namang hosts ang EB pero may kaniya-kaniya silang place/station sa studio kaya hindi mukhang overwhelming and yung iba kasi ay nasa labas since may segment pa rin sila na sugod-bahay or like something na pumupunta sa isang place.

  1. Yung ibang hosts, pilit talaga yung joke or not funny at all.

- I feel like ang nagdadala na lang ng show ay si VG and Anne (kung present siya). Pero kung wala sila, ang dry talaga. Pilit yung jokes ng ibang hosts, yung tipong "may-masabi" or "may-maipasok-lang" jokes. Pero madalas di talaga funny. Unlike sa EB na natural lalo na ang JoWaPao. Hindi nila pinipilit kung wala talaga silang maisip.

  1. Funny naman si VG, pero bully siya.

- Undeniable naman na funny si VG and I also love na dinadala niya sa show yung pagiging politically-aware niya. Pero pansin ko na bully siya lalo na sa mga co-hosts niya at sometimes sa mga contestant mismo. I don't know how to put it into words pero alam niyo yung tipong yung joke niya is rooted sa negative things na napapansin niya sa co-host niya and/or sa contestant.

  1. Nauubos yung oras sa dalawa lang na segment.

- Correct me if I'm wring pero I noticed din na dalawa lang yung segment nila: Eliminate o Illuminate and yung TNT. Which makes the show boring. Unique naman yung Eliminate o Illuminate, pero pansin ko na sobrang tagal. I feel like 30 mins ata yung pakikipag-usap pa lang nila sa 2-3 contestants then dun na sila bumabanat ng mga hindi talaga funny na jokes. Liit din ng prices. Then after non TNT na then tapos na. Unlike sa EB na maraming segments + malalaki prices ng games nila. Marami rin kasi talagang sponspors. Hindi ka maboboring kasi hindi lang sa isang segment umiikot yung buong show.

  1. Si VG lang talaga yung highlight ng show.

- That's it. Imbes na ang highlight is yung contestants and their stories, mas highlkghted pa rin si VG. Parang every seconds kailangan niya magsalita. Unlike sa EB na iniinterview talaga yung contestant and inaalam ang kwento ng buhay. May interaction din sila sa audience and may price din na napapanalunan.

Yun lang naman. This is just my opinion based on my observations so please sana 'wag kayo magalit hihi :>>>

reddit.com
u/macaroni___salad — 15 days ago