u/mangovocado

▲ 1 r/SintangPaaralan+1 crossposts

Ano nga ba ang papel ng PUPians sa corporate world kung hindi kabilang sa BIG 4?

Ang tanong na sumagi sa aking isipan nung makita ang mga komento sa isang TikTok video.

>Unfortunate reality: an average UP/AdMU/DLSU student will still be chosen over a summa cum laude from a no name university.

Isa ba tayo sa mga walang pangalan?

Ano pa nga ba ang pagkakakilala sa sintang paaralan, maliban sa kayang baratin ang mga produkto nito?

Mapipili lang ba tayo kapag wala na silang choice?

>PUP = mga feeling UP

Komento ng nagsasabing siya'y mula sa UPD.

Totoo nga bang feeling UP ang sinta?

Maaaring ang sagot ay 'oo' kung ito'y patungkol sa ID lace merch, pero hindi lang naman 'yan ang punto ng tanong.

Kung ang sagot pa rin ay oo, hindi naman siguro masamang maghangad ng ikakabuti ng paaralan at sa mga estudyante nito. Ngunit hindi nga makamit ang estadong kinalalagyan ng UP...kaya paanong marami pa ring nagsasabi na tayo'y feeling UP?

Nakakapanlumo.

reddit.com
u/mangovocado — 7 days ago

PUP Psychology Graduates

Kumusta mga sikolohista ng bayan? Nagkawork po ba kayo agad after grad (1st job) even though wala pang RPm license? Nasaang field kayo ngayon?

Worried lang po kasi sa life after grad...tapos alam naman natin status ng mental health sa bansa. 😮‍💨

reddit.com
u/mangovocado — 1 month ago