u/maoix

Anong normal values ang sinunod niyo for PNLE? 🥹

Hello po! August PNLE taker here. 🥹 Nalilito ako kung anong normal values ang dapat kong i-memorize kasi ang daming iba’t ibang references (books, review center handouts, at online). 😭

Sa mga RN na po or nakapasa na ng PNLE, ano pong reference ang sinunod niyo? Yung accurate and okay gamitin for the boards sana.

Thank you po! 🤍

reddit.com
u/maoix — 15 hours ago

56 days before PNLE. Should I trust my review center lectures alone? 🥹

Hello po! August PNLE taker here. 🥹 56 days na lang before the boards.

Ask lang po sana sa mga RN na or sa mga magte-take rin this August. Okay lang po ba na mag-focus na lang ako sa mga lectures and handouts ng review center? Medyo kinakabahan kasi ako. Feeling ko kulang-kulang yung ibang topics na na-discuss, kaya natatakot ako na baka may lumabas sa boards na hindi namin na-cover.

Minsan naiisip ko pang magbasa ng mga books or maghanap ng ibang resources, pero feeling ko kulang na rin sa oras kung lahat pa aaralin ko.

Sa mga nakapasa na po, enough ba talaga if i-master yung lectures ng review center + practice questions? Or may iba pa kayong ginawa na sa tingin niyo malaking tulong?

Any advice or study tips po? Thank you so much, and good luck din sa mga August PNLE takers! 🤍

reddit.com
u/maoix — 2 days ago

PNLE Passers/Reviewees, saan po kayo kumukuha ng Q&A with ratio?

Hello po! Sa mga magte-take ng board exam this August or nakapasa na po sa PNLE, may mairerecommend po ba kayong sources ng Q&A with rationale aside po sa recalls ng TRA?

Sabi po kasi nila, mas effective daw ang pagsasagot ng practice questions with ratio kaysa puro basa lang ng libro, lalo na’t malapit na ang board exam at parang hindi na kayang ma-cover lahat ng topics.

Ano po ang mga ginamit ninyo na talagang nakatulong sa inyo? And effective po ba talaga yan in 63 days til the boards? Salamat po sa sumagot 🙏🏻💗

reddit.com
u/maoix — 9 days ago

Question sa mga nakapag-PRC na: need pa ba original cases?

Hello po! Ask lang po sana. Need pa po ba dalhin/present yung original cases sa PRC during filing? or okay na yung encoded/certified copy na galing sa school? Nawala kasi yung original copies ko huhu. Medyo kinakabahan ako baka hanapin siya sa PRC. Thank you po sa sasagot! 🙏🥹

reddit.com
u/maoix — 18 days ago

PNLE August 2026 Anxiety: level 4 😭

Just want to rant po.

Magte-take ako ng PNLE this August, and lately sobrang frustrated na ako. May nabasa kasi akong post dito sa Reddit na mas mahirap na raw ang board exam ngayon. Marami raw bumagsak last February dahil maraming lumabas na unfamiliar diseases at hindi common na topics.

After ko mabasa ’yon, parang nawalan ako ng gana mag-aral. 😭 Feeling ko ang dami ko pang hindi alam at wala pa rin akong progress kahit ilang buwan na akong nagre-review. Habang papalapit ang exam, mas lalo akong kinakabahan. Minsan naiisip ko kung sapat ba talaga ang ginagawa ko.

Alam ko namang hindi dapat ako nagpapadala sa mga nababasa online, pero hindi ko maiwasang ma-overthink. Nakaka-down lang talaga.

May mga previous PNLE takers ba rito na ganito rin ang na-feel before the exam? Any advice kung paano niyo na-handle ang anxiety at self-doubt during review season?

Thank you po. 🤍🥹

reddit.com
u/maoix — 20 days ago