SKL pero Veterinarians are superhuman dude…
Sumagi lang to sa isip ko kasi my partner and I took our cat to the Vet after niya maging lethargic (but he’s fine na thank god) and I just realized na goddamn, sobrang underappreciated ng mga Vets.
Imagine ha, di nakakapagsalita mga pasyente nila pero nagagamot pa rin nila—granted, meron namang tests na pwede gawin para masupport ang diagnosis pero kahit nga mga human doctors nahihirapan pa rin minsan itreat ang isang pasyente na partida, nakakapagsalita na.
And I work in the healthcare field din so I’m no stranger sa hirap na pinagdadaanan ng mga doctors pero grabe .. iba talaga ang mga Vets haha
Sa mga human doctors isang species lang need nila pag aralan pero ang Vets ultimo manok kailangan nila imemorize ang anatomy like!!!! Does that not fascinate and amaze you?!!?!!
Haha wala lang, naalala ko lang din kasi meron akong katrabaho na Dr. na Vet din (silang dalawa pa ng asawa niya!) tapos nung tinanong ko siya kung ano mas mahirap na licensure exam, sagot niya “Without a doubt, sa Vet”
Yun lang! If Vet ka, angas na angas ako sainyo haha laban!