u/meadowixchel

Realizations as a Gen Z young adult who has been working for months

  1. Maniwala ka sa parents mo kung sinabi nila sayo na huwag ka masiyado magtiwala sa mga co-workers mo.

Ganito ba talaga kapag sa work? Dapat gawin mo lang talaga trabaho mo. Yung mga co-workers mo hindi mo dapat isipin na pwede mo silang kaibiganin na katulad sa school, kasi at some point, sila yung gagawa ng ikapapahamak mo. Di mo alam kung mabait ba sila or sinasaksak ka na patalikod. Kung kaya mo makipagplastikan para makapagstay, gawin mo. Feeling ko, kumokonti yung mga taong genuine na makikipag connect sayo. Mostly magiging mabait sila dahil nagbebenefit sila sayo.

  1. Mag-pumilit ka na gawin ang isang task kahit sinabi ng kawork mo na siya na ang gagawa para hindi ka mapagkamalang walang initiative.

Kung sa school kaya mong gawin yung di ka na magi-initiate para di na ikaw yung maglead or para di na marami ipagawa sayo, pwes, sa work hindi gagana yon. Pwede pa maging reason for non-regularization mo yun na lacking of initiative or tamad ka. Hindi sila nagpapatulong sayo kahit alam nilang kailangan pa ng tao or manpower? “Magkusa ka” kahit sinabi ng kawork mo na kaya na niya. Hindi siya nagdelegate ng tasks kahit as a team dapat gagawin? Magpumilit ka na tutulungan mo siya.

Huwag mo hahayaan na makita kang walang ginagawa tapos yung mga kasama mo meron lahat ginagawa, kahit tapos kana sa mga ginagawa mo— kasi mapagiisipan ka na di tumutulong okaya tamad.

  1. Magask ng feedback months before regularization regarding sa performance mo kung probationary ka pa.

Huwag mo nang hintayin na aabot pa ng 5 months or for regularization ka na wala kapang performance evaluation. Kung tingin mo hindi ka pa sinisita, pinagsasabihan, o rinereprimand, ikaw na ang magtanong kung may nagagawa ka bang mali. Dahil kung minsan, hahayaan ka nilang magisip na wala kang ginawang mali. Sasabihin na lang nila kapag subject for regularization ka na (most companies na pangit ang hr).

  1. Kung ayaw ka ng mga nakatataas, huwag ka nang umasa pa na mareregular ka after ie-extend ang pagka probi mo.

Hindi worth it. Magapply-apply ka na sa iba. Bago ka pa maregular dapat naging sip-sip ka na. Bawal ang hindi sip-sip. Matuto kang magcompliment kahit hindi naman totoo.

  1. Kahit knowledgeable ka sa labor laws, maliit lang na porsyento kung minsan ang chance mo.

Magrereport ka sa DOLE? Sige para malaman ng next na a-applyan mo na nagreport ka at maflag ka as a red flag employee. Nagsusumbong ka pala e. Kahit alam ng nakatataas sayo or hr na nasa tama ka, mageexplain pa rin yan para maging tama sila at mali ka.

——

As a ferson na months pa lang ang experience sa work, nakakalungkot isipin na habang tumatanda ka or sa adulting ka na, totoo na less and less genuine yung mga makikilala mong tao. Di ko alam kung sa Pillipinas lang to or trait ng ibang mga Pinoy, pero nakakalungkot isipin na kailangan mo lagi maging competitive para sa sarili mo.

Parang lahat walking on eggshells ka. Hindi mo alam kung sino ang nagpapakatotoo. Dapat makasurvive ka.

PS. Realizations/observations ko po ito. Feel free to add more and correct ako kung bakit ganon yung ginagawa (such as conflict of interest). Ako po ay sawa na sa bad work environment.

reddit.com
u/meadowixchel — 6 days ago