


Update sa nag pa influence and DeInfluence sa Harry Potter!!
Context ng Title
Ang ending… iba yung binabasa ngayon. Sorry na po!! For some reason, hindi na natuloy ni bf yung Harry Potter reprint/2nd hand books.
Every time umaalis ako, hindi talaga pwedeng hindi ako dumaan sa Booksale and NBS.
Anytime din na may below P50 na children’s book sa Booksale, binibili ko. I'm still a kid with big dreams. Char. (Renerence)
Na-cute-an lang talaga ako sa Pegasus Illustrated Classics, and for the price? Pwede na rin!! Kaso nalaman ko na AI daw yung ginamit sa ibang pictures??
Les Misérables — Nung bata ako, may CD kami nito yung movie nila Anne Hathaway as Fantine. From there, nagkaroon ako ng idea about theater and musicals, tapos nakita ko pa si Ms. Lea Salonga sa balita na kasama siya sa Les Misérables, kaya napabili ako nito. Abridged version siya though, so ang daming wala. Malapit ko na rin matapos, pero ilang days ko siyang natigil kasi napapa-🤨🤨 ako kay Marius. HAHAHA Page 201 na ako.
Dr. Jekyll and Mr. Hyde — Blind buy lang siya for my bf, pero mukhang interesting din naman since binasa ko yung summary sa likod.
And lastly, Project Hail Mary!! Again, for my bf. Sadly, dahil sa busy schedules, hindi namin napanood sa sinehan. Tapos nung nag-showing ulit… ayun, zombie mode na naman kay Ryan Gosling. Ubos ang tickets?? napabili bigla ng prime video eh? pero okay nadin, may subtitle eh.