u/mythoughtsmatterhere

Matitiwalag ako dahil kay Marcoleta

Siguro after a week of posting this. Tiwalag na ko. Nasa Distrito na kasi ang ulat ko as of now. Mahaba po ang kwento na ito. To make it more detailed at gusto kong ma-document through sharing here kung ano mangyayari sa 'kin at baka maging eye-opener din 'to sa iba.

Nagsimula ito nung nagkaroon ng surprise rally ang INC last June 30, 2026. Hindi ako sumama dyan dahil alam ko ang stand ko. Nag-start din akong mag-post ng against kay Marcoleta dahil hindi maatim ng puso ko na sinusuportahan ito ng relihiyon ko bagama't personal na laban naman nya ito. To make it short, nagpo-post ako ng mga facts sa FB about kay Marcoleta, kung bakit sya makakasuhan ng plunder, bribery, at perjury.

July 1. Nag-decide na ko na hindi na muna ako sasamba. Sinabi ko sa Mama ko, magpapahinga lang ako. Nung una akala nya sa ibang oras lang ako sasamba pero sabi ko ayoko muna sumamba. Nagkaroon pa nga kami ng palitan ng argumento ng Kuya ko. Ang punto nya, kung hindi ako sasamba, mawawalan na ako ng koneksyon sa Diyos. Pinaliwanag ko naman na ang akin lang ay dapat hiwalay ang relihiyon sa pulitika. Anong nangyayari sa INC? Bakit tayo nagra-rally at sumisigaw ng wag ikulong si Marcoleta? Dapat tanggapin lang nya for accountability dahil hindi sya naging transparent sa campaign donations na natanggap nya.

July 2. Rally sa Liwasang Bonifacio. Kahit ang daming aberya sa nangyari sa unang rally, tinuloy pa rin nila. Nag-aya pa nga yung mga kaibigan kong INC na sumama, ang ending nag-leave ako sa GC. Ayoko. Walang pasok sa Maynila kaya napagdesisyunan kong magpagawa muna ng laptop. 3:18 PM, nag-chat mama ko na may ulat daw ako sabi ng katiwala namin. Nabasa raw ang mga post ko. Paglaban daw sa pamamahala yun. Mabilis daw itong makakarating kay Ka Eduardo. Pangalawang ulat ko na ito, actually pero sa kabadingan ko naman yun. Bumalik na naman yung pananakot nila sa akin na hindi raw magbabayad kuya ko sa utang nya sa akin kung matitiwalag ako. Sabi ko naman kay Mama, utang ay utang. Labas ito rito. Magkakademandahan kami kung ganyan. Nakakahiya raw ako, sabi ni Mama. Papa ko raw masamang-masama ang loob. Hanggang sa umabot na sa gusto ni mama na umalis ako sa bahay kung matitiwalag ako. Sabi ko na lang, mag-uusap kami pagkauwi ko. Kami lang ng magulang ko at wala sina Kuya. Grabe yung anxiety at stress na naramdaman ko to the point na umiiyak ako sa harapan ng kaibigan ko habang kinukwento ko ito sa kanya. Bumalik yung kinukwestyon ko yung kabaklaan ko, na hindi ako lubos na tanggap ng pamilya ko at ng relihiyon ako. Pero desidido na talaga ako umalis. Dahil ayoko na. Ang sabi ko nga sa kanya, ang relihiyon na ito ay para lang sa mga straight.

Pagkauwi ko, naging mahinahon at maayos naman ang pag-uusap namin ng magulang ko. Ang banggit pala ng katiwala namin, sinabihan ko raw ng bobo ang INC. Wala naman akong pino-post na ganun, sabi ko. Pinakita ko lahat ng post ko sa Mama ko. More on educational purposes kung bakit kakasuhan si Marcoleta. Nasabihan pa nga raw ang magulang ko na, hindi raw ba ako nasasabihan or parang wala na bang power ang magulang ko sa akin? Na-off si Papa doon.

Pinapunta ni Mama yung katiwala namin sa bahay para magkaliwanagan. Lumalabas na sya pala mismo ang gumawa ng ulat. Parang naka-follow pa nga yata sya sa akin kaya nakikita nya post ko. Ang siste paglaban daw sa pamamahala yung ginagawa ko dahil parang nasa kabilang panig daw ako. Sabi ko, paano naging paglaban yun kung nagpapaliwanag lang naman ako kung bakit makakasuhan si Marcoleta? Ibig pala sabihin bawal tayo mag-educate. Meron pa syang pinakita sa akin na comment ko sa sarili kong post. Ito ang sabi ko roon, "Hindi ko ine-expect na gagamitin ko ang page na ito para lang ipaliwanag ito. Ang dami na kasing 8080 sa totoo lang at hindi na alam kung ano ang pinaglalaban nila." Ang pakiwari nya, sinasabihan ko ng bobo ang INC. Wala naman akong sinasabi na ganun. In general ang pagkakasabi ko. Pinapupunta nila ako sa pastor pero umayaw na ko dahil ayoko na rin naman na maging INC. Ano pa ang saysay ng pakikipag-usap?

Dito ko napatunayan na kapag INC ka kailangan sunod ka lang nang sunod. Tau-tauhan ka. Kahit alam mong may katwiran ka ngunit taliwas sa sinusuportahan nila, mabuting tumahimik ka na lang kung ayaw mong matiwalag kasi paglaban yun sa pamamahala. Ginagawa nilang pipi ang mga kapatid. Maging kalayaan sa pagsalita, tinatanggal nila.

Bakit ba kasi pumayag sila na patakbuhin si Marcoleta kahit na bawal maging pulitiko ang isang kapatid? Iniiwasan nga magkaroon ng pagkabaha-bahagi dahil sa pulitika eh. Saka hindi ko talaga lubos maunawaan na kung ang ipinaglalaban ng INC ay transparency at accountability, bakit may pinapanigan sila? Dapat wala. Dapat hindi nila isinisigaw na wag ipakulong si Marcoleta. Lalo pang nakakatawa, may nagsalita ring mga pulitiko sa rally na hindi ko rin kayang suportahan. Kaya kung INC ka pa ngayon, mag-isip-isip ka na. Dapat sa Diyos lang tayo maglilingkod. Paglilingkod lang dapat. Wala dapat halong pulitika. Maganda pa noong panahon ni Ka Erdy. Ano na nangyari sa pamamahala ni Ka Eduardo?

reddit.com
u/mythoughtsmatterhere — 14 hours ago