u/pamprlmn

▲ 4 r/WLW_PH

how do introvert socialize

Problem/Goal: how do introvert socialize, mabilis akong madrain and ayokong maging bad yung impression sa akin

Context:

hi, i'm having trouble socializing with people. for context, my gf and i are living together for almost 4 years. her friends stayed here sa house for 3 days and 2 nights. i'm okay with it, and i like her friends din naman talaga. pero ang bilis kong mapagod (?) or mawalan ng energy? parang hindi ako makasabay sa energy nila. mataas din energy ng gf ko and napansin na rin nung isang friend niya. sinabi na hindi nga kami same kaya parang mabilis daw akong madrain. i'm bothered kasi once maubos ang social battery ko, tumatahimik ako and nagsstay lang sa side or sa bandang likod, palagi ko namang sinasabi sa gf ko na sabayan yung mga friends niya (kapag gumagala). okay lang naman ako, just need some peace and quiet hahaha.(may times na hindi, kasi parang nawawala ako sa mood).

i feel like draining akong kasama kaya parang ayoko nang sumama sa mga gala kahit ayain ako. tapos nakadagdag pa yung nagvisit kami sa province nila. yung mom niya, parang gusto na katabi palagi si gf (kami ni sister niya ang magkasama) i understand naman din kasi alam kong miss na rin si gf ng mama niya. gusto siyang igala ba, and maraming mga kwento tapos 7 days lang kami magsstay. kaso lang, may times na parang nilalayo talaga siya ng mom niya sa akin hahaha. don't get me wrong, okay ang treatment sa akin ng mom niya. hindi lang din talaga siya agree sa relationship namin kasi Christian sila. mas okay raw na friends kami. ayun na nga, nalungkot ako sa stay namin sa province nila kasi parang tail kami nung sister niya sa kanilang dalawa. sumusunod lang kami, parang ganon.

may times na hindi ko na lang din masyadong pinapansin si gf kasi naiinis ako at nagffocus sa ibang things and i know na nasaktan ko siya. mas tumatatak pa naman sa kanya yung mga bad things. kaya bothered ako na baka yung pagtahimik ko at hindi pakikipaginteract ay bad na pala ang dating sa family and friends niya. i guess, struggling din sa mental health but i wanted to fix myself kasi mahal na mahal ko talaga siya. torn between breaking up with her and fixing myself. please i need advice and opinions. be kind, thank you

reddit.com
u/pamprlmn — 12 hours ago