Overthinking Wisdom Tooth Removal
Ngayong 30s lang lumabas 'yong wisdom teeth ko. At dahil sumasakit 'yong lower left (at nakakasagabal na sa buhay) ay napagdesisyunan ko nang ipatanggal.
Nanood ako ng maraming videos at nagbabasa-basa bago magpa-extraction. I was expecting the worst. Pero thank goodness, maayos ang recovery ng katawan ko (ika-3rd day ko na). Akala ko kapag natanggal na 'yong anaesthesia, mararamdaman ko na 'yong kinukuwento nila matinding pain. Pero wala talaga. Walang sakit at pamamaga.
I guess, I am lucky to be in this position. Sabayan pa ng pagsunod talaga sa mga habilin ng doktor.
Sa palagay ko, ang pinaka-struggle ko lang talaga ay 'yong gutom ko at pakiramdam ng pagkaapi dahil hindi makakain ng kanin. Haha. Pero willing to wait naman kung kailan puwede na. Haha. Mas mabuti nang maging maingat.