


What should I do with my teeth?
Hello. I'm currently 19 years old at never napagtuunan ng pansin 'yong mga ngipin ko (dati ko pang gustong ipa-checkup pero palaging isinasantabi at never tinabihan ng pera), and I want to change that. I don't feel confident with my looks, nahihirapan akong ngumuya ng mga beef, at minsan hindi rin maayos ang pronunciation ko ng words. Ano pong pwede kong gawin?
Last month (or last 2 months ago, I forgot), I went to a dentist near us at nag-request siyang ipa-x-ray ako. After seeing the x-ray, ang sinabi ay 'wag na lang daw galawin since wala namang gumagalaw. Marami raw na bunot ang kailangan (approximately 12, if I remember correctly), baka raw hindi ko kayanin at hindi sure kung makalalabas nang maayos 'yong mga permanent teeth ko. Pwede naman daw akong magpa-second opinion sa ibang dentista, pero I currently don't have any funds for that.
What should I do? Tutubo pa ba kaya nang maayos 'yong mga ngipin ko kung mga 3+ years pa ang dumaan para makapagtrabaho at makapag-ipon ako? Thank you.