Spaylater and sloan
Hi po 3mos OD sa spay and sloan , been receiving calls pero naka block sila and text for followups from gcss and bernales.nagbayad po ako partially last month as agreed kay gcss ng 3k then partially sa sloan ng kung ano kaya ko lang since pede edit ung amount. Then this month may extra ulit ako but since ayaw ko na kausapin si collectors so nag chat ako sa cs ng shopee if i can pay again partially. Advise is may magcall sakin pero since naka block mga unknown numbers sakin so di ko sinasagot. Then i checked spaylater pede ko na i edit ung amount so i paid 3k again then sa sloan naman binayaran ko ung isang due ko.
Spay: 10k + 1600 due next month
Sloan:12k + 1300 due next month
Today i received texts from BBSPI (maybe new 3rd party collection) na normal reminder lang pero may separate text na ganito:
IMMEDIATE LEGAL VERIFICATION: Dahil hindi ka makontak, ire-verify na ng aming Legal Field Unit ang iyong employment status sa HR Department / Company mo para sa formal Subpoena Coordination at potential Salary Deduction Directives. Huwag mo nang paabuting ma-alarm ang kumpanya mo at maapektuhan ang trabaho mo. Mag-settle at mag-send ng proof TODAY.
From: +63 963 209 0850
I know pananakot lang nila ito hahahaha pero anyone na may naka received din ng ganitong “pananakot na template”? Para ma report if under ni BBSPI ito?