1 month pa lang sa contract pero need na i-cancel ang service
Hello, guys. Share ko lang ang chika sa akin ng sales agent na nag-help sa akin magkabit ng internet regarding hindi pagtapos ng contract na 24-month lock in period.
Nagpakabit ako ng Converge this June 2026 lang tas ngayong July, biglang need ko lumipat sa ibang apartment due to unwanted circumstances sa buhay. As in overnight biglaan gano'ng level. Walang kaabog-abog.
Nagbasa ako ng experiences ng iba online and tinanggap ko nang need ko pa rin bayaran 'yung monthly bill up to 2 yrs para walang issue UNTIL kinontak ko 'yung Converge agent na nag-process ng installation ko. I asked for his advice kasi mejo naanxia ang accla.
He called me and advised me. Here are his advices:
- Huwag ko raw bayaran 'yung remaining bills and termination fee. Dedmahin ko lang daw kasi masasayang daw pera ko since hindi ko naman magagamit. Maba-blacklist lang daw ako sa Converge. Siya raw, blacklisted siya mismo sa lahat ng telco kasi hindi siya nakabayad nang maayos noon due to mga pagsubok sa buhay tas a decade na rin daw iyon.
He said, "Oh, ma'am, nandito pa rin ako ngayon. Buhay na buhay!" HAHAHAHA
Pwede raw makabitan ulit ng Converge if gagamit ka ng ibang name and ID like kasama mo sa bahay. Makakapagpakabit din sa ibang ISP kasi sa Converge ka lang naman blacklisted.
Kapag may tumawag daw na collection agency, attorney, kahit sino pa raw, DEDMAHIN LANG!
"Ma'am, kapag wala sa phone book mo, huwag mo sasagutin." HAHAHAHAHAHA
Hindi raw kokontakin ni Converge ang friends or family ('yung gaya ng ginagawa ng mga OLA kapag hindi ka pa bayad sa utang).
Possible ipalipat 'yung installation sa new place mo PERO matagal and may Php 3k na installation fee. Sabi ko, willing ako sa option na 'to pero maha-hassle lang daw ako so hayaan ko na lang daw talaga HAHAHAHAHA
Re credit score, idk. Hindi ko na-ask, eh.
Itabi ko lang daw 'yung modem and anik anik ng WiFi. Sinu-surrender kasi siya sa Converge talaga. Itabi ko raw para in case magamit ko pa sa future (how??? eh maba-blacklist ngani HAHAHAHA)
Kayo? Ano experience ninyo sa ganitong case?