My mother nearly got killed by ex-boyfriend then my uncles beat him.
Hi, muntik nang mamatay yung nanay ko. nasikmuraan, sinuntok, tinakpan ang bibig at nawalan ng malay sa ginawa nung kinakasama nyang lalake.
Nung dumating ang tito ko, binugbog nila. Dinala nila sa barangay at police station kaso nung kinausap na womens desk kasama nanay ko at ex nya sinabe na kung itutuloy yung kaso na isasampa ni mama, magkakaso din daw sya sa mga tito ko na nambugbog sa kanya. Ang ending naging barangay protection order. Nararamdaman po namin na gusto nalang matapos ng mga police at womens desk rep yung nangyayari kanina. Pinagdedesisyon kami agad at dinidiin.
Please tulungan niyo po ako, liable po ba mga tito ko sa pambubugbog dahil sa ginawa sa nanay ko?
May way po ba na yung ex lang makulong kase ilang beses na syang nananakit.
pahelp po
EDIT: Sinabihan po kami na pag tinuloy po ang kaso, makukulong din daw po mga tito ko dahil sa pambubugbog.