Lulong sa sugal at may utang pa
Hi, gusto ko lang i-share ang karanasan ko hanggang ngayon.
Isa akong professional na sumusweldo ng 6 digits per month, pero may utang at lulong sa sugal. Hihingi sana ako ng tips o ng inyong komento. Negative man, okay lang sa akin.
Nitong mga nakaraang buwan, nakapagpatalo ako ng 1 million in total sa sugal. Sinubukan ko nang tumigil, at tanggap ko na ngayon na lulong ako.
Sa ngayon, halos tatlong buwan na akong clean, pero isa sa mga trigger ko ay kapag nakakaramdam ako ng matinding inis at frustration. Dahil dito, natutukso akong magsugal, at ito ang nagiging outlet ko.
Sa totoo lang kinausap ko na yung madalas reason ng frustration ko at inis, at pinaalam ko na ito ang trigger ng relapse ko sa pagsusugal pero may chance na nag tatalo pa din kami kahit sa maliit na bagay lang. Sa ngayon on-going ang Self-Exclusion ko sa PAGCOR.
Sana mabigyan ninyo ako ng tips para tuluyan na akong makatigil. Alam kong lulong ako, at gusto ko na talagang magbago.
Maraming salamat po.