Minsan ba...
Minsan ba feeling mo napagiiwanan ka na? Nang panahon, career or buhay? Minsan ba sumasagi sa isip mo bakit parang walang nangyari?
For context, nakapagmigrate kami nung 2018. Maganda takbo ng career ko sa pinas. I see career progression in the future. Pero mula pagmigrate namin, di ako makapasok sa same field na career ko dati so feeling ko napagiiwanan na ako. Gusto ko makabalik kaso di ako nabibigyan ng chance. Though, nakabili na rin kami ng bahay dito. 2 healthy kids. Walang inaalala sa medical costs pag may nagkasakit. Malayo sa politika ng Pilipinas, malaya nakakapasyal at di nagaalala katulad ng dati kung may masasakyan pauwi or wala. Naipagddrive ko si misis sa work, napprepare ko anak ko sa school sa umaga. Pero bakit parang napaka ungrateful ko pa rin. I work in a job I do not see a career. Tried upskilling pero wala pa rin. Nalulungkot ako kasi nasa 2nd half na tayo ng life, pero ang dami ko gusto marating. Para naman sa pamilya ko yung hjnahangad ko. Bakit ganun?