u/sn0wman56

Kahit isang "how are you" wala kong narinig 😂

Yung akala kong slow burn yung kwento namin, pero mauuwi rin pala sa wala talaga. To be fair, hindi niya naman ako ni-reject. Iba lang talaga yung hanap nya. Siya pa tong nag offer ng friendship and nagsabi na pwede ko syang kausapin. Pero kahit isang "kamusta ka" wala ko narinig. Radio silence. Dapat ba ako laging magsstart? Mag iinitiate?

Tinanggap ko na nga di magiging romantic to, pero uy, wala ka man lang effort sa mga sinabi mo. Masaya ka pag nagkikita tayo, dahil ba convenient? Ako lang yung available?

Yung ang dali mo mag like at mag comment sa iba, pero sa lahat ng stories ko, isa lang nalike mo 😂

Wag na, itigil na natin to. Salamat sa mga yakap at hawak ng kamay. Gusto ko lang mag vent out kasi gusto ko ng closure para sa sarili ko.

Alam ko magkikita at magkikita kami, pero kaya ko nang hindi ka pansinin. Let's go back to being strangers ha.

Advice naman on how to move on sa kwentong hindi nasimulan.

reddit.com
u/sn0wman56 — 1 day ago

dear crush, pinakilig mo ko, binuo mo araw ko, ang hirap tuloy matulog

dear crush, almost 3am na at gising pa din ako

kasalanan mo to, pinakilig mo kasi ako. trentahin na kinikilig pa din. nako.

bakit ba kasi ang touchy mo. bakit ba kasi tabi ka ng tabi sa ken. bakit ba kasi ang hilig mo hawakan ng kamay ko.

bakit ba kasi ang rupok ko at hinahanap hanap ko naman talga yun?

bakit ba kasi tinanong mo pa sino kasama ko nung linggo, kaibagan lang naman siya. bakit naninigurado ka bang single ako?

nako. may nag sabi nga na wag ko muna ioverthink, take it as face value daw muna.

eh ano nga bang gusto mo?
ano nga ba gusto ko?

kelan ka ba aamin? kelan ba ko magsasabi sayo?

ah basta, napasaya mo ko. mukhang di naman delikado no? kinikilig na naman ako?

ingat ka palagi ha.

kung ikaw ba naman yung pinagdasal ko, sana maging masaya tayo. pero kung hindi, itigil na lang natin yan agad.

ingat. bat di mo ko sinabihan nga pala nito ngayon? 😅

reddit.com
u/sn0wman56 — 1 month ago

Dear N, baka wala ka nga talagang feelings for me.

Dear N, mabilis ang 2 months para gumive up ako. Pero sa tingin ko, wala naman talagang “tayo” na mangyayari. Wala naman talagang possibility. Ang tagal bago tayo nagkaroon ng connection. Pero alam mo, sa bawat sandali na hinahawakan mo yung kamay ko, binubuo nito yung araw ko. Sa bawat ngiting binibigay mo at atensyon, kahit saglit lang, parang nawawala mga problema ko sa buhay. Pinaramdam mo sa akin na may pagasang matuloy ang kwentong ito, pero parang ayoko na maghintay. Ilang gabi ko na hinihintay yung mga pagkakataon na yun, nagawan ko na ng simula, hindi mo naman itunutuloy isulat. Ngayong gabi, parang namulat ako. Kasi nga sabi, kung gusto talaga, gagawa ng paraan. Ayoko na maghintay, salamat na lang muna. -J

reddit.com
u/sn0wman56 — 2 months ago