OA lang ba ako? pero dahil sa friend ko, bumalik insecurities ko.
Hi share ako ulit kasi parang part 2 ko na ito about sa friend ko. Parehas naman kaming lalaki at kaka 30 lang namin pero ewan, baka kasi masyadong sensitive lang ako at pinagtutuungan ko lang talaga yung mga sinasabi niya.
Lately parang bumaba talaga self-confidence ko dahil sa mga nasabi niya. Na-share ko narin before na pinagtatawanan niya ako kasi mahilig akong mag-retouch. Oily skin kasi ako so kailangan talaga mag freshen up. Tapos ngayon may nasabi talaga siya na tumatak sa akin, at about naman ito sa ilong ko. Topic kasi namin na saludo kami sa mga taong kayang mag-enhance, tapos bigla ba naman siningit na kung may pera daw ako ay magparetoke ako ng ilong kasi malaki daw.
Hindi talaga ako insecure sa ilong, kahit na aminado naman ako na pag nakaharap ako, mukhang may kalakihan sa side pero nadadala naman sa angle kasi matangos naman ito. Next, about din sa lips ko, alam ko namang may kalakihan ito at insecure ako sa lips ko kasi parang bagay lang ito para sa mga babae like Angelina J. at Anne C. Nakakatanggap naman ako ng compliments sa lips ko pero ngayon lang talaga bumalik insecurity ko kasi sinabihan ba naman ako na parang sa kabayo daw lips ko.
Idk kung ganito ba talaga magbardagulan yung straight man na may pagka-personalan na. Mix kasi circle of friends ko, may mga straight na lalaki din naman pero puro makukulit lang at never naman akong ginaganito na mga hirit. Pero tell me baka OA lang ba ako at nasa 30s na kaya wag na lang pagtuungan ng pansin yung mga ganito, plus im guy so valid lang ba ito?