u/spadeandaces

Career shift from media

I'm 34 years old, been working sa TV and entertainment industry for 10 years. Meron akong gap na nagtrabaho rin ako sa call center, atbp after kong mapagod sa TV ng 2 years, tapos bumalik ako.

Nakakaramdam na ako ng hopelessness sa industry na ito. Ang laking kawalan talaga nung naipasarang network kasi whether employed ka roon o hindi, apektado lahat dahil humina ang TV, lalo with the rise of social media at AI. Sinubukan ko rin na maghanap ng translation jobs kaso nahihirapan ako, baka hindi pa pasado ang skill ko roon.

To add, unti-unti na akong nawawalan din ng kaluluwa sa isang bagay na sobrang mahal ko na ginagawa-- ang pagsusulat. Natupad ko yung pangarap ko na magsulat sa TV, pero nauubos na ako.

Lately, nare-realize ko yung isa pang bagay na love ko, ang pagkain. Natutuwa rin ako sa mga pagluuto kahit wala akong gaanong alam. Kaya naiisip kong mag-career shift sa culinary. Kinukumbinse ko ang sarili ko na lahat ng bagay ay pwede namang matutunan kapag interesado ka. I am even considering to work abroad, since yung scriptwriting skills ko ay malabo pa sa tubig-kanal na makakuha ng work abroad.

Gusto ko lang malaman kung may nag-career shift from media at 30+. Thanks!

reddit.com
u/spadeandaces — 6 days ago