u/straberryxbanana

I just realized I have a resting sad face. 😭

Kanina lang 'to nangyari. Pagpasok ko pa lang sa office, excited na excited na ako mag-lunch kasi nilagang baka ang baon ko. As in internally, sumasayaw na ako sa saya habang hinihintay mag-12.

Pagpatak ng lunch break, dali-dali kong kinuha yung baon ko. Habang ina-unpack ko siya, napatingin ako sa maliit na mirror sa desk ko...

Tapos nagulat ako.

Nakasimangot ako. 😭😭😭

As in hindi yung "serious" lang. Legit mukhang malungkot. Yung tipong parang kakareceive ko lang ng bad news, kahit sa utak ko ang tumatakbo eh, "YES! NILAGANG BAKA!"

Ngayon gets ko na siguro kung bakit minsan tinatanong ako ng mga tao kung okay lang ba ako kahit wala naman talagang problema.

May mga taong may resting bitch face... ako ata default resting sad face. HAHAHAHA.

Please tell me hindi lang ako. 😭

reddit.com
u/straberryxbanana — 10 hours ago