u/thecuriousvoid

ABYG dahil napupuno na ako sa groupmate naming halos walang ambag sa research?

Me (F21) and my bestfriend (F20) got grouped with three other students (F19, F20, M20) for a major research subject. Wala kaming choice sa grouping kaya napagsama-sama nalang kami. At first okay naman kasi akala namin responsible sila and marunong makisama.

Pero nung binigay ng prof namin yung buong class time para mag brainstorm ng research titles, bigla nalang umalis yung tatlo naming groupmates at hindi na bumalik. Naiwan kaming dalawa ng bestfriend ko sa room na parang “ha?” habang lahat ng groups nag-uusap na.

Minessage namin sila kung bakit sila umalis at kung alam ba nilang brainstorming yung pinapagawa. Ang sagot lang nila: “Nag sit-in kami sa kabilang section hehe.”

Walang apology, walang attempt tumulong. Yung isa naming kagrupo na boy, bumalik pa sa room pero para lang sabihin na “sa GC nalang pag-usapan.”

Nakakainis kasi may 3 hours na class time na sana para maayos namin nang personal. Habang kami ng bestfriend ko halos mabaliw kakaisip ng title ideas, consult nang consult sa prof, revise nang revise, sila ibang bagay lang pinagkakaabalahan.

Fast forward sa data gathering.

Tuwing bibili kami ng snacks and materials for respondents, laging wala yung lalaking groupmate namin. Dahilan niya madalas may work daw siya. Sige, inintindi namin kasi baka pagod or busy talaga.

Pero ang problema, kapag ambagan na, siya rin yung laging late magbayad. Umaabot sa point na allowance ko at allowance ng bestfriend ko yung ginagamit muna pambayad kasi short kami sa budget. Literal na minsan tinitipid na namin pagkain namin para lang may pang-cover sa kulang.

Ang mas nakakainis, sumusulpot naman siya during research activities pero kadalasan uupo lang sa gilid. Walang initiative tumulong, walang assistance, walang “sorry late ako” — wala talaga.

Ngayon nasa Results and Discussion part na kami. Honestly okay lang sakin tumulong sa write-up, pero parang unfair naman na halos wala siyang ambag sa data gathering tapos pati dito wala nanaman gagawin. Naiisip ko tuloy i-ghost muna siya para maramdaman naman niyang may responsibility siya bilang groupmate. Ang expectation ko nalang sana is siya na gumawa nitong part kasi supposedly magaling siya sa statistics (kahit ako rin naman halos gumawa ng stats namin).

Ngayon nagi-guilty ako kasi baka masyado lang kaming harsh sakanya dahil may work siya at ayoko nalang mag confront din kasi hirap na hirap na nga sa research. Pero at the same time, pagod na pagod na rin kami magbuhat and hindi na talaga makatarungan.

ABYG?

reddit.com
u/thecuriousvoid — 4 days ago
▲ 1 r/davao

Any good nail salons in Davao?

Sister's wedding is in less than a month and we're still looking for a nail salon na mucater ug more than two people in one time, affordable, and of course hawod pud. And unta kanang naay spacious na parking spaceee. 🥹

reddit.com
u/thecuriousvoid — 7 days ago