u/vulcanpines

Monthly pay na para bang savings ko na before I got to earn this much money

Monthly pay na para bang savings ko na before I got to earn this much money

30M, 10 YOE as an ex-software engineer for a US Big Tech firm. Now, I work as a dev for a US startup that pays me this much money.

I came from a dirt poor family, pero that didn’t stop me from being successful. I think plus pa nga kapag galing sa hirap because you have no other way but to persist, strive, and succeed. I thank my parents because sa private school nila ako pinag-aral kahit halos mabaon sila sa utang dati. Tumulong rin ang mga titos and titas ko from abroad na mag-paaral sakin hanggang college. Salamat po sa inyong lahat na tumulong. It really takes a village to raise a kid. 🥺 Noong college partial scholar din ako and may part time job ako para may pang baon kasi sobrang mahal ng tuition sa Maynila. I remember 50 pesos lang baon ko kadalasan kasi ako rin bumibili ng books ko. Tumutulong rin ako bumili ng bigas namin para kahit papano ulam na lang problema nila papa at mama. Lima pala kaming magkakapatid at ako ang panganay, sobrang hirap maging mahirap. Madalas rin noong bastusin at alipustahin ng mga relatives ko ang parents ko, I will not go into details na kasi naiiyak ako kapag naaala ko mga sinasabi nila sa amin before.

Pero ngayon eto malaki na ang kinikita at nakakapag-ipon na ng marami. Naging inspiration ko yung hardship namin before para ialis ang family ko sa squatters area sa Manila. May disenteng bahay na kami dito somewhere sa north. Malayo sa mga maalipustang ibang mga kamag-anak namin here sa Pinas. Pero medyo bati bati na ngayon kasi malayo na kami sa kanila namimiss daw nila kami and now alam nila marami na akong pera. Pero iniiwasan ko pa rin sila. Napatawad ko na sila pero di ko makakalimutan mga sinabi nilang masasakit lalo na sa mom ko. I forgive pero i don’t forget.

Anyways sorry sa long sad story ko. I started earning 30k per month noong 2016. Tapos naging 60k noong 2019, then 120k in 2022. Then job hopped again in 2023 to earn 260k. Then last year, I crossed the 500k gross monthly income. I only worked 1 job at a time my entire career. This helped me focus on improving my dev skills. Even before the AI boom sobrang sipag ko magbasa ng docs and apply them to work projects.

u/vulcanpines — 11 days ago