ABYG dahil gusto ko iharass pabalik harasser ko?
hello kaka regular ko lang sa work ko. so syempre bilang bago bago palang lahat pinakikisamahan ko. nakikipag usap ako sa lahat at sinasabayan ko sila sa trip nila.
3 months in, may isa akong ka-work na napansin ko nag iba na kilos nya around sakin. everyday binibigyan nya ako mg gifts (food and material stuff). grateful naman ako kasi maliit lang sahod nya pero naiisip nya pang bigyan ako. may times din na minemessage nya ako sa gabi.
nag start ako mailang ngayon simula nung minessage Nya ako one night at nag comment sya sa isa kong picture sa isang messaging app, at nag ask pa if meron pa akong ibang pics. gustong gusto Nya rin na kaming dalawa lang magkasama at ittake yung opportunity na yun para mag picture kami. may mga times na kaming dalawa lang magkasama to run errands, hihirit sya na gumala muna kami at mamaya na bumalik sa office. ang hilig nya rin mag comment na kesyo bagay ko raw gantong katawan, bagay ko yung gantong buhok, maganda raw ako pag ganto etc etc.
to cut the story short it got worse and eventually i think he got obsessed sa akin.
ni report ko na to sa superior ko at sa hr namin but after ilang months na kasi nahirapan ako mag open up. kilala ko kasi yung guy as pa victim at paawain. in my head kasi baka luge lang ako kasi matagal na sya sa company.
na dismiss sya sa work but halos 1 month after ko mag report bago nag karoon ng aksyon. kumalat din sa buong company namin yung ginawa nya. kaya it lowkey got me paranoid and gave me anxiety kasi baka wala na kumausap sakin sa work. lalo’t na male dominated yung work place namin.
here’s the catch, halos wala pang 1 month simula nung inalis siya, ay nabalitaan ko na binalik pala sya. wala nag nag sabi sakin. di ako sinabihan ng mga superiors ko na binalik pala sya. di ko pa malalaman hanggat di pa nachismis sakin. pero ilang araw na rin nakalipas ko pa bago nalaman.
nalaglag puso ko nung nalaman ko yun. kasi simulat sapul palang, ramdam ko na di ako papaboran at maddisappoint lang ako sa kakalabasan pag nag report ako. lo and behold tama nga hinala ko. nandun parin siya, nasa iisang area lang kami.
kahit sabihin mo nasa kabilang site siya sa ngayon, dadating at dadating yung panahon na mag tatapo ulit landas namin kasi nasa iisang area lang naman kami.
ngayon feel ko stuck ako sa ganto. di ako basta maka alis kasi mahirap mag hanap ng trabaho. feel ko sobrang helpless ko. para sakin pinaasa ako ng sobra ng company namin.
ABYG kasi naiisip ko na ako nalang aaksyon at gaganti sa ginawa Nya sakin. gusto ko ilantaran sa public yung no. nya. gusto sya naman makatanggap ng kung ano anong texts?
ps~~. if gusto nyo maget numer0 nya pi-em nyu is me~~