
Ganto naba ka lala yung service nila?
Ilang months kaming nag tiis ng mom ko na fleeting yung WiFi namin—minsan meron, minsan mahina lang, minsan wala talaga. Tapos nung around June to August, pumunta ako sa ibang city for boards review, my mom kept messaging me na walang wala na yung WiFi namin sa bahay. Antagal pa before may dumalaw sa bahay namin to settle the problem. Ilang beses narin pabalikbalik yung technician nila sa bahay namin pero hindi parin nafi-fix yung problem. Nakapagtake na ako ng board exam, napasa ko na, nakapagoath na, nagkatrabaho na, wala pa rin kaming WiFi.
Tapos, when I got home today sabi ni mama dumalaw ulit yung technician and finally may WiFi na kami. Pero at what cost? Nilagyan lang ng wire yung modem para hindi maalog yung cables na bago lang nila nireplace. Tas sinabihan pa kami na wag galawin kasi nga maalog.
I remember clearly talaga na sinabihan si mama ng customer service na papalitan nila yung modem namin since andaming problemang hindi na fi-fix kahit ilang ulit pa silang mag send ng technician. And now na sure na talaga kami na yung modem talaga yung problem, lalagyan lang nila ng alambre para hindi na siya maalog? What kind of service is this?