u/xEldie

▲ 222 r/adviceph

My girlfriend had s*x with her ex

Problem/Goal: I’m confuse kung ano ba dapat ko gawin kasi hindi okay yung nalaman ko.

Context: I currently have a partner, we’re living together already. 2 months na siyang buntis. Kahapon randomly nag check ako nung convo nila nung sinasabi niyang nakafling niya before na kaibigan niya na ngayon. Turned out na siya pala yung 3 years ex na sinasabi niya at may nabasa ako na attached pa din yung current partner ko sakanya based on last convo nila nung nov 12 kahit nagkaroon na siya ng isa pang 2 years ex before nitong 3 years.

Nagkakilala kami oct 10, nag first date kami ng oct 30. After nung first date namin halos every other day or 2-3 days pagitan nag kikita kami. Dec 5 nung naging officially naging kami, unang beses na may mangyari samin Nov 12. Meron pang time around Nov na pinakilala niya sakin yung ex niya bilang tropa including yung friend group nung lalaki kaya nakasalamuha at naka bonding ko din yung ex niya without knowing. But kahapon nalaman ko na in between nov 15-20 meron isang time na pumunta gf ko sa isang birthdayan kasama yung ex niya at yung friend group nila at nung gabi na yon may nangyari sakanila pala. It was a one time thing, tho nagtuloy communications nila, the guy even visits her sa bahay nila para tumambay ganon. Nag stop communications nila around dec 13 nung we decided to live together.

Previous Attempts: nag usap kami kahapon at she’s guilty about it at hindi niya daw alam kung paano niya nagawa na itago sakin yon kahit yung part daw na ex niya yung guy na yon na pinalabas niya na friend niya.

Alam ko sasabihin ng iba sa inyo na hindi pa naman kami nung time na yon (yan din nirason niya sakin) but, we already shared a bond and we even did the deed na after mangyari yon sakanila.

Kahit nag usap na kami, bothered pa din ako. Feeling ko harap harapan yung betrayal sakin kasi nakasama ko sila, nakainuman ko pa nga yung ex niya ng 1 on 1. Inexplain niya na napapayag daw siya nung time na yon kasi attached pa siya at tanga tanga isip bata pa daw, sinabi din daw nung lalaki sakanya na “ako pa din naman nakauna sayo at naging akin ka naman, hindi niya naman malalaman” at meron din time na inattemp ulit ni guy makipag deed ulit sakanya pero inamin naman ng gf ko ni decline niya yon, witness daw niya kuya na sa pag lipat niya ng kama nun sinubukan siya tabihan at halikan.

Ang naging dating sakin naiputan ako sa ulo at naging laughingstock sa ex niya at friend group nila, wala akong kaalam alam mag ex pala yung dalawa at may one time thing pa pala na nangyari. Hindi ko alam what I should do, gets ko nakaraan na yon pero sana gets niyo din ako. Mahal ko partner ko at buntis na partner ko (planned baby), at ngayon kinakain ako ng ego at betrayal na yon. While typing these natutulala ako at naiimagine na nag ss*x sila nung ex niya. Currently in the middle if worth it pa ba itry and continue yung relasyon. Kung magpapalaya nalang ba at magpapatawad, or subukan tanggapin yung nangyari at hindi na bigyan ng kahulugan yung mali ng nakaraan. She admitted na mahal niya na (daw) ako nung time before may mangyari samin tho confuses.

She insist na umuwi muna siya sa pamilya niya to think at gather some thoughts, while I insist na hindi pwede takbuhan yung problema at dapat namin matutunan harapin together yung sitwasyon lalo na’t nasa gitna na kami ng pag papamilya or baka sooner pagpapakasal.

reddit.com
u/xEldie — 2 days ago