u/yearnerof

▲ 2 r/WLW_PH

Pano ba ang dapat kong gawin sa wlw situationship kong kumplikado? Mababago ko pa ba ang isip niya?

Context: nasa situationship ako with a closeted bi na may boyfriend. Kaso di niya ako mapanindigan kasi gusto niya magpakasal dun sa jowa niya.

Bi-femme here(39). Im in a situation na sobra na kong hulog na hulog. May babae(30) akong nakasituationship. I know she loves me too because she told me and ramdam ko din naman. Di lang ako mapanindigan kasi may boyfriend siya and gusto niya mag end up with this man. Pero bare minimum naman(base sa kwento niya). Sobra ko ng lungkot na ayaw ko siyang mawala and pumayag na lang ako to be friends with her. Hindi ko na alam. Hihintayin ko na lamg ba siya? I let go ko na ba? Pero meron sa loob ko na ayaw kong mag move on sa kanya kasi ibig sabihin nun wala na kong love. Eh ayoko nga mawala yung love ko sa kanya kasi siya yung nagpapasaya sakin kahiy masakit na. Araw araw pa rin kaming nag uusap. Wala na nga lang landian. And di ko alam kung okay lang ako dun. Ayaw ko siyang mawala na kahit kaibigan lang pumapayag ako.

May nararamdaman pa din ba siya sakin kasi nag uusap pa rin kami. Walang nagbago. Pero wala nga lang landian. At nararamdaman ko na nagseselos siya whenever nagtatapic ako ng ibang guys. Mababago ko pa ba ang isip niya?

reddit.com
u/yearnerof — 1 day ago