u/yoongiiyaa

▲ 31 r/RentPH

Pinapaalis na kami ng Landlord

Hello! We are renting in an apartment for almost 3 yrs now (w/ one baby), bale this august, nagsabi ang landlord samin na maghanap na kami ng lilipatan dahil kailangan nilang irenovate ang inuupahan namin, parang nagleleak na water from our apartment towards sa unit below us. We pay our monthly rent every 10th. We agreed to leave and had an agreement na di na kami magbabayad since we have a deposit and yun na ang icoconsume for aug 10 to sep 10. But the thing is, sabi nila kailangan na namin umalis ng aug 30 dahil daw sa maiiwan naming kuryente. We also have a 2k electricity deposit. So we agreed to leave by the 30th.

Today, the landlord came to our house at galit na galit at pinapasipa na ang pinto namin dahil hindi daw namin sila pinagbubuksan and called us "BASTOS at bingi bingihan" without even asking why. For context, we cannot hear anything pag sa kwarto kami natutulog and we have an aircon na maingay so wala talaga, kaya pag may shopee ako i have my phone on max volume so i can wake up once na nandon na sila samin.

Since we just woke up, galit na galit din ang husband ko dahil narinig nga nya na pinapasipa na ang door dahil may gagawa na daw so nagkasagutan na sila dahil sabi ng husband ko hindi naman tama na iforce open ang door namin, at hindi rin naman namin alam na may gagawa since may agreement nga kami na sa 30 na sila gagawa pag alis namin.

Nag anga angahan ang landlord at hindi daw nya sinabing 30 dapat daw before 30 nakaalis na kami dahil nga daw sa kuryente namin. We even said na babayaran nalang ang buong balance ng utility bills pero ayaw nila. They even said na dapat nga daw hindi na namin gamitin ang deposit kasi yun na daw ang practice ngayon, hindi na daw cinoconsume ang deposit. She also mentioned antagal na daw nya kami gusto umalis dahil makalat daw kami sa bahay. Umalis na daw kami ngayon dahil nandito na daw ang gumagawa. So pinapaalis na nya kami until tomorrow after the heated argument.

Please help us po what to do btw, wala po kami contract. wala din silang official receipt pag nagbabayad kami

reddit.com
u/yoongiiyaa — 1 day ago