r/CaloocanForYou

Tuloy ang serbisyo para sa Batang Kankaloo!

Tuloy ang serbisyo para sa Batang Kankaloo!

Kahit masama ang panahon at suspendido ang pasok sa ilang tanggapan, bukas at patuloy na naglilingkod ang Caloocan City Hall para sa mga kailangang serbisyo at dokumento ng ating mga kababayan. 🙌

Saludo sa mga kawani na patuloy na pumasok at naglingkod. ❤❤❤

#AksyonAtMalasakit #Caloocan

u/Angelo_1988 — 2 days ago

Adult Hematology Clinic sa Caloocan bukas na!

Karagdagang serbisyong medikal para sa ating mga kababayan!

Bukas na po para magserbisyo ang ating Adult Hematology Clinic sa Caloocan City Medical Center.

Layunin nitong magbigay ng specialized na konsultasyon, pagsusuri, at paggamot para sa iba’t ibang sakit at kondisyon sa dugo.

Maaari pong magpunta tuwing Biyernes simula 9:00 AM hanggang 12:00 NN.

u/CaloocanForYou — 2 days ago

Patuloy na pag-papa alala sa Leptospirosis from Caloocan

𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: PAANO MAKAKAIWAS SA LEPTOSPIROSIS

Ang leptospirosis po ay isang impeksyon na nakukuha mula sa paglusong sa kontaminadong tubig baha na mayroong ihi ng daga o iba pang hayop na maaaring pumasok sa sugat, balat, mata, ilong o bibig ng tao.

Narito ang ilang paalala para maiwasan ang leptospirosis pati na ang peligrong dala nito sa kalusugan. Tingnan ang larawan sa ibaba para sa iba sintomas ng nasabing sakit at iba pang mahalagang impormasyon.

Mayroon mang sugat o wala, kung lumusong sa tubig baha, kaagad na magpunta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar para sa libreng konsultasyon at gamot.

u/CaloocanForYou — 10 days ago