Image 1 — Adult Hematology Clinic sa Caloocan bukas na!
Image 2 — Adult Hematology Clinic sa Caloocan bukas na!

Adult Hematology Clinic sa Caloocan bukas na!

Karagdagang serbisyong medikal para sa ating mga kababayan!

Bukas na po para magserbisyo ang ating Adult Hematology Clinic sa Caloocan City Medical Center.

Layunin nitong magbigay ng specialized na konsultasyon, pagsusuri, at paggamot para sa iba’t ibang sakit at kondisyon sa dugo.

Maaari pong magpunta tuwing Biyernes simula 9:00 AM hanggang 12:00 NN.

u/CaloocanForYou — 2 days ago

Patuloy na pag-papa alala sa Leptospirosis from Caloocan

𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: PAANO MAKAKAIWAS SA LEPTOSPIROSIS

Ang leptospirosis po ay isang impeksyon na nakukuha mula sa paglusong sa kontaminadong tubig baha na mayroong ihi ng daga o iba pang hayop na maaaring pumasok sa sugat, balat, mata, ilong o bibig ng tao.

Narito ang ilang paalala para maiwasan ang leptospirosis pati na ang peligrong dala nito sa kalusugan. Tingnan ang larawan sa ibaba para sa iba sintomas ng nasabing sakit at iba pang mahalagang impormasyon.

Mayroon mang sugat o wala, kung lumusong sa tubig baha, kaagad na magpunta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar para sa libreng konsultasyon at gamot.

u/CaloocanForYou — 10 days ago

Free Anti-rabies Vaccine Schedule for July 27-30, 2026 sa Caloocan

Mga mahalagang paalala:

• Dalhin ang vaccination card ng inyong alaga kung mayroon

• Maaaring ipagpaliban ang pagbabakuna kung sakaling maulan

• Hindi maaaring bakunahan ang mga sumusunod:

- Mga alagang tatlong (3) buwang gulang pababa

- Nakakagat sa loob ng dalawang linggo

- Buntis o nagpapasuso ng anak

- May sakit o naggagamot

u/CaloocanForYou — 25 days ago

Libreng Doxcycline sa Caloocan

Para sa kaligtasan ng ating mga kababayan ngayong panahon ng tag-ulan, kung lumusong po kayo sa baha, huwag nang ipagpaliban ang pagpunta sa pinakamalapit na health center.

Mayroon tayong libreng Doxycycline para sa mga residente ng Caloocan bilang proteksyon laban sa mga sakit na maaaring makuha sa baha.

Wag na hayaan lumala pa ang sakit na pwede namang maiwasan. 👌

u/CaloocanForYou — 1 month ago
▲ 14 r/CaloocanForYou+2 crossposts

Free assistive devices in Caloocan

Naglaan ang Caloocan ng iba't ibang assistive devices upang makatulong sa pag kilos ang ating mga kasamahan na may kapansanan.

Kabilang sa mga maaaring matanggap ang regular wheelchair, customized wheelchair para sa mga batang may cerebral palsy, crutches, walker, cane, white cane, at quad cane.

Kung nangangailangan ng assistive device, magtungo lamang sa Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) at dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

• Caloocan City-issued PWD ID

• Whole-body picture ng PWD o Children with Disability (CWD)

• Barangay Certificate of Indigency (Purpose: For PWD

Assistive Device)

u/CaloocanForYou — 2 months ago

Maintenance Meds from Caloocan

Sobrang swerte at nakakuha kami nila Mama ng libreng maintenance meds nya galing Caloocan LGU. Malaking tulong to na kahit papano ay mabawasan ang gastos sa pang araw araw. Di naman hindi pwedeng uminom at mas malaking gastos ang kapalit.

Kaya sana mag patuloy pa yung mga ganito dahil madami tong natutulungan. 🙏

Nasa post na rin kung ano yung mga gamot na pwede pang makuha. Sana makatulong. ❤️

***repost from Facebook

u/CaloocanForYou — 2 months ago
▲ 10 r/CaloocanForYou+1 crossposts

Free maintenance medicines para sa may hypertension sa Caloocan

Namamahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 maintenance medicine para sa mga residenteng mayroong high blood pressure/hypertension o altapresyon, pati na rin ang libreng konsultasyon para sa mga pinaghihinalaang mayroong hypertension.

Magtungo lamang sa pinaka-malapit na health center sa inyong lugar upang mabigyan ng gamot na sapat sa isang buwan (30 days) at maaaring matanggap kada buwan.

u/CaloocanForYou — 2 months ago

Libreng Vitamins!

May libreng vitamins for 0-17 years old na mga bata.

Available po sa lahat ng ating mga health center tuwing Lunes hanggang Biyernes ang mga sumusunod:

• Multivitamins (capsules, syrup, at drops)

Dalhin lamang ang valid ID ng magulang na mayroong Caloocan address.

u/CaloocanForYou — 2 months ago