r/breadwinnersph

Sa mga breadwinner na nakalaya na sa responsibilidad, kamusta na po kayo ngayon?

Paano niyo po sinimulan yung process na i-cut off mga kapamilya niyo? Pagod na pagod na ako and gusto ko na gawan ng paraan na mabago buhay ko. Na sarili ko naman. I want to change mg destiny.

Gusto kong malaman if may way out ba sa pagiging breadwinner. Paano niyo na push na magtrabaho naman ang mga kapatid niyo na capable naman dapat magtrabaho pero namimihasa at nagawa pang mag anak tapos sayo iaasa? At mga magulang na hindi ka naman pinalaki ng tama pero ginawa kang gatasan ng pera? Nakakapagod maging breadwinner. Tapos pag hindi mo sila mapag bigyan once, para bang ang sama sama mong tao kahit halos mamatay ka na sa kakatrabaho para lang mabuhay mga kapamilyang wala namang ka amor amor sayo

Gusto ko malaman experiences niyo. Gusto ko malaman na may pag-asa na ma break tong cycle na to.

Kwentuhan niyo po ako ng mga happy endings niyo. Gusto ko na ng freedom sa pagiging breadwinner.

I want to have hope. Gusto ko malamang na someone out there got out of being a breadwinner and naging maayos ang buhay. Kwentuhan niyo po ako.

reddit.com
u/CareHistorical3572 — 7 days ago