Ang hirap mag support ng local brands kasi ang mahal mahal huhu
Context: May awarding ceremony sa school na need ako mag attend tapos requirement is Filipiniana
Na stress lang ako sa mga nakikita ko na local brands na sobrang I really want to support kaso hindi talaga kaya kasi nasa 5 digits per piece
Anyway, gets ko naman talaga na support local pero hindi lang siguro ako yung target market and more of para sa mga elite (politician levels na umaattend sa mga senate hearing LOL) pero sana may brand na ganito kaganda designs para sa mga normal na working Filipino.
Yun lamang. Siguro need pag ipunan pero naisip ko nalang na hindi lang kasi talaga practical kasi ilang awarding ceremonies lang ba ang aattendan ko sa lifetime ko haha