INTIMATE WEDDING ngani
So ito na nga. Matagal na kaming live-in ng soon to be husband ko. Ulilang lubos na siya, 3 silang magkakapatid at siya ang bunso. Sa tagal naming nagsama finally magpapakasal na kami pero gusto namin pareho na intimate lang/parang kung sino lang nasabihan sila lang pupunta type. Inayos muna namin lahat ng papers hanggang sa may date na then 2 weeks before the civil wedding ceremony dun na namin balak sabihin sa parents ko and sa mga kapatid niya. Sinabi ko na sa parents ko and ok naman sa kanila, walang problema, supportado nila ang desisyon naming dalawa. Ito na!!!! Nung sinabi na niya sa mga kapatid niya nagalit sila kasi bakit daw hindi man lang kami nagsabi sa kanila na magpapakasal na kami, na kesyo ni ha or ho daw habang naglalakad ng papers eh wala which is dapat daw umpisa pa lang ng paglalakad ng papers eh sinabi na namin agad. Tapos sinabi ni future husband na sila lang yung aattend, At ayun na nga! Nagalit ang mga kapatid kasi bakit daw hindi man lang sabihan ang mga tita and tito's nila, ano na lang daw mararamdaman nila, ano na lang saw sasabihin nila na hindi sila sinabihan or inimbita. Bahala na daw kami basta hindi daw sila aattend hanggang hindi sinasabi ni soon to be H sa tita at tito nila. Bahala na din daw si soon to be H sa buhay niya kasi they're cutting him off pag hindi daw niya ipinaalam. Stress na ako malala sa sitwasyon nilang ganito...