u/003yeni

batang ina at 20!!!!!!!!!!

problem/goal: contemplating whether to accept the 50k job i was offered or find a wfh job

hello po! im a 20yo working student na may binubuhay na 4 yo child. kapatid ko po siya, but i bear all the responsibilities (except financial, since i still get help from my ofw mom). 3 kami sa bahay: ako, kapatid ko, si papa. yk how typical irresponsible fathers are—pinapabayaan nilang alagaan ng panganay yung mga anak nilang maliliit, so inako ko na kapatid ko since ako lang naman ang maaasahan. i’ve been working since 2024, and now, i have a job offer with a salary package of 50k. happy ako that i got accepted sa trabaho na yun with that big of an offer, but at the same time, worried and sad for my lil bro. maiiwan ko na naman siya sa gabi (minsan lang tabihan ni papa), walang tututok na magturo sa kanya, hindi rin sya mapapatulog sa tamang oras (night owl tatay ko at wala syang pake kung late na rin matulog anak nya), at hindi rin siya makakakain sa tamang oras (papakainin lang ni papa, pag kakain na rin sya). ang hirap magdesisyon, iniisip ko na makakatulong na ako financially and makakabawas ng utang namin—but, hindi naman natutukan yung kapatid ko.

mind you, ako rin ang gumagalaw sa bahay—maghanda ng pagkain, maglinis ng bahay, maglaba, sampay, tiklop, at syempre magbantay ng bata. im happy to help, but its draining na minsan. ayoko namang pauwiin si mama dahil mas maganda ang opportunities overseas. nakakapagod lang po na ako lahat gumagawa despite my work and studies.

kaya may times na kapag pagod po ako, nabubuntong ko sa kapatid ko kapag alaga ko sya or kaharap. sobrang sakit sa feeling kasi ayokong mangyari yon, gusto ko ibreak yung generational trauma na pagsigaw, pagmura, o pagiging violent, pero sobrang hirap kapag nasa moment ka na. hindi rin ako pwedeng mawalan ng trabaho dahil umaasa rin si mama sa akin. i have been looking for a wfh job, pero wala talaga.

reddit.com
u/003yeni — 6 days ago

for context, may kapatid akong nagaaral don, 17yo. may paid internship sila minsan, kaya siya nagkakapera, but hindi naman to regular work and ilang buwan lang.

itong nanay ng bf niya na nasa taiwan din, umutang sa kanya ng NTD 6k, that’s roughly PHP 12k. february pa itong utang niya and hindi rin nagrereply both sa akin and sa sister ko. even sa anak niya na bf ng kapatid ko, kasi magkaaway din sila.

nakakainis that idkwtd and paano ako magtetake action. gusto ko ipost pagmumukha niya sa fb pero parang wala rin namang impact aa kaniya.

naaawa na ako sa kapatid ko since need niya ng budget and nagaaral lang siya ngayon. wala pa silang internship as of this moment, ano po kayo magagawa ko 🥲

reddit.com
u/003yeni — 19 days ago