ABYG dahil ginusto kong sumama sa worktrip namin kahit ayaw ni BF
May out of town trip kami with work friends puro kami girlies and may 1 boy. Matagal na itong plano at nakkwento ko rin kay bf dahil excited rin ako sa gala.
Okay sa bf ko (25F) ng 7 years , ldr kami most of the time bf (26m)nung una, pero nung nalaman niya na kung sino ung 1 guy, pinagbawalan niya na ko sumama dahil may selos issues na siya ron for almost 2 years. Sabe ko, sayang lang selos mo dahil wala siyang bilang sakin, i even forgot na andon siya sa group.
Hanggang sa naging intense yung arguments namin, dahil ginusto ko talagang sumama. Main reason ko is ayaw ko ng feeling ko im very controlled and alam ko namang wala akong ginagawang mali. Gusto ko pa rin na may individuality ako at social life kahit papano. We’re both tired and stressed from work and i always look forward to these trips to destress and feel alive. Pero ang dating nito sa kaniya ay prinoprotect ko si guy, and i was only making bs and excuses to spend time together. Mas lalo lang siyang napikon at nagalit.
Sabe ni bf kami nalang daw mag travel doon instead. Dahil gusto niya raw maglibot kami around habang seeing it for the first time together. He is upset that i get to see the place for the first time with others esp w the guy he is jealous with.
I argued na he always said that but never naman planned bc he’s always busy sa work. Nag iipon daw siya for “our future”. I said ok i respect that. But let me go on this trip, since booked and paid na.
Out of his tantrum, gusto niya nang sumama sa amin. Pero sabi ko settled na ung trip sa agency. At ayoko ng magmukang the dramatic one at makalat sa work group namin. Isa pa, niyaya ko na siya una pa lang sabi niya ayaw niyang makipagplastikan w other ppl. Ngayon gusto niya na?
Nag tantrum siya, at nag sisimula na kaming mag argue about sa past wrong doings ng isa’t isa. Hanggang humantong na sabihin niya na ayaw niya na sa relationship namin and gusto niya ng mag end ito. Now he started ghosting me.
Sa 7 years namin together, i have always been faithful. I asked him why di niya ko mapayagan does he not trust me?
Ngayon, im really numb and confused pano humantong sa ganito. Mali ba na piliin ko ang sarili kong freedom by wanting to go on that trip? Abyg? Was it really a selfish and unfair move towards my
bf?