Image 1 — I watched Ang Babae sa Septic Tank 4 with my sister dahil cultured kami. Bacteria kami.
Image 2 — I watched Ang Babae sa Septic Tank 4 with my sister dahil cultured kami. Bacteria kami.
Image 3 — I watched Ang Babae sa Septic Tank 4 with my sister dahil cultured kami. Bacteria kami.
Image 4 — I watched Ang Babae sa Septic Tank 4 with my sister dahil cultured kami. Bacteria kami.

I watched Ang Babae sa Septic Tank 4 with my sister dahil cultured kami. Bacteria kami.

I watched ABSS4 last night (July 3). Ang galing ng cast! JC Santos was so goood. And Direk Andoy Ranay!!! Ms. Stella as Taga-ilog!!! Pero iba pa rin talaga si Ms. Uge! I was able to watch her sa ITW last year, pero iba ang comedic timing niya. Iba ang bitaw. And the last scene? For her to do that? Sandaleee. Hindi ako na-prepare mentally for that. Pero kidding aside, this (like the other ABSS) made me think about the Philippine theater and its purpose sa panahon ngayon.

u/ANNemployed — 2 days ago

Nabu-burnout na ako sa trabaho ko sa anak ng tokwang bansang 'to

Ang hirap maging guro sa bansang 'to. May mga pagkakataon namang masaya ako sa ginagawa ko. Pero ngayon, halos wala na akong gana. Halos pilitin ko na lang ang sarili ko at halos igapang ko na lang sa araw-araw. Alam kong walang madaling trabaho. Alam kong lahat ng trabaho may challenges. Pero wala e. Nakakapagod talaga. Sa araw-araw, gigising ako ng madaling araw para lang makapagturo ng 5:30am. Sa araw-araw, Mahigit kumulang animnapung bata ang kaharap mo. Iba-iba sila ng ugali, iba-iba sila ng approach. Sa araw-araw, kaaalinsabay ng mga responsibilidad ng pagiging guro, may maya't mayang deadline na madalian.

Halos gusto ko nang sumpain ang DepEd kasi ang dami pa nilang hihingiin nang ura-urada. Itong three-term calendar? Biglaang ibaba nang walang pakundangan at paghahanda. And who would need to bend over backwards just to make things work? Kaming mga teachers. Walang proper preparations maliban sa seminar na naka-telecast at naka-MS teams. Yung lesson planning na ILAW format, hindi ko mawari kung anong rationale sa pagpapalit? Ni wala pa nga silang binababa na official e-class record para sa bagong grading system. Matapos pa ng pagtuturo ko ng limang section sa buong araw, magtuturo pa sa ARAL program na 'yan. Anak ng tokwa mo DepEd. Ni hindi nga maganda ang binigay na materials para riyan. Kulang nga at kinakailangan pa naming mag reproduce. At sino na namang gagawa ng paraan just to make things work? Kaming mga teachers. Wala pang compensation 'yan kasi langing sinasabi sa amin, "Underload nga kayo e."

Pag uwi mo, trabaho pa rin. Walang katapusang trabaho. Mag check ng papel, maghahanda para sa pagtuturo kinabukasan. Ime-message ka pa rin ng mga magulang. Ime-message ka pa rin ng mga co-teachers. Hindi ka na tinantanan ng trabaho. Para saan? Para sa kakarampot na sahod? Sa paghingi ng increase e halos para kaming mga pulubi na nagmamakaawa.

Isama na natin 'yang mga co-teacher na akala mo tagapagmana ng paaralan. Kung magpatrabaho, akala mo naman properly compensated tayo at tatayuan ka ng bantayog sa ginagawa mo. Pag magrereklamo ka, sasabihan ka pa ng "Kami nga noon e.." E di kayo na nagturo ng 100 na bata per section. Kayo na nagturo ng kalahati ng bata walang upuan. E di kayo na nagturo ng mga batang akala mo mga taga bilangguan sa pagiging bayolente at magulo. Kayo na ang nagturo ng anim na section, o kahit gawin nyo pang bente. Hindi ko rin maintindihan kung bakit proud sila roon. E kung tutuusin, hindi naman nakaka-proud na dinaanan 'nyo 'yun. Kawawa kayo, hindi ninyo kinaangat sa iba 'yun.

Sawang sawa na rin akong taon-taon e problema ko kung may mauupuan ba lahat ng bata. O kung may arm rest man lang ba ang mga upuan nila. At idamay na natin ang taon-taong problema sa ventilation ng klase. Sa dami ng bata sa loob, at iilan lang ang gumaganang electric fan. Pambihira. Kinakailangan pa naming mamalimos sa mga magulang taon-taon para lang magkaroon ng electric fan. Taon-taon ding masisira kasi araw-araw buong araw gumagana. Akala ba ninyo hindi namin isinusukang taon-taon ay kailangan pa naming magpa-project sa PTA para lang maging kahit paano conducive ang mga klase namin? 'Yung mga TV sa mga room namin na halos lahat may topak? Lahat 'yun mga ginawan lang ng paraan ng mga advisers para maipalagay. Hindi yun provided ng division na pag nagmo-monitor akala mo naman talaga may ibinibigay sila.

Isa sa mga may malalaking budget allocation ang DepED pero hindi man lang namin nararamdaman sa grass roots.

Isama na natin sa mahaba kong reklamo ang mga magulang na mas nagpapahirap ng buhay namin dahil sa bahay pa lang di na nila magawang disiplinahin ang mga anak nila. Magde-demand pa sa 'yo. Halos gusto na i-baby mo anak nila. Bawal mo sitahin. Bawal mo pagalitan. Kasi mato-trauma 'yang putek nilang mga anak na pinagmamalasakitan mo lang naman kaya mo tinutuwid. Napakatitindi ng ugali ng mga bata na 'yan. Pero pag kakausapin ang magulang, sasabihin sa 'yo, mabait daw anak nila. Tapos, may mga magulang din na naghahasik na ng lagim ang mga bata nila sa paaralan e hindi ka man lang magawang puntahan kahit ipatawag mo nang ilang ulit.

GUSTO KO LANG GAWIN ANG TRABAHO KO. GUSTO KO LANG PAGMALASAKITAN ANG MGA BATANG DUMARAAN SA KLASE KO. GUSTO KONG MAIBIGAY ANG MABUTI PARA SA KANILA. PERO BAKIT ANG HIRAP.

PARA KANG TAU-TAUHANG WALANG KONTROL AT WALANG MAGAWA! AT PUTEK NA YAN. SA AMIN PA RIN ANG SISI NG LAHAT. SA AMIN GALIT ANG MGA MAGULANG. KAMI ANG SISISIHIN SA MGA BATANG HINDI MAKAPAGBASA! KAMI ANG SISISIHIN SA MGA BATANG MAHINA ANG PAG-UNAWA O COMPREHENSION. KAMI ANG SISISIHIN SA LAHAT. SA AMIN ANG BAGSAK NG SISI AT TRABAHO NG NAKATATAAS. KAMI ANG SINISISI SA SISTEMANG BULOK.

KAYA UTANG NA LOOB, PUMILI NAMAN KAYO NG MAAYOS NA MAMUMUNO. TAMA NA ANG PAGPOPOON SA MGA PULITIKO. LINGKOD-BAYAN ANG PILIIN NINYO, HINDI MGA HUDAS NA HARAP-HARAPAN NA TAYONG WINA-WALANGYA. ANG HIRAP KASI SA ATIN NA-NORMALIZE NA NATIN ANG KORAPSYON. NAGING DESENSITIZED NA TAYO.

Noong mas bata ako, firm ang pasya ko na hindi ako aalis ng bansa. Idealist e. Galing sa state university e. Pero ngayon nauunawaan ko na ang mga umalis.

PUTEK NG BANSANG 'TONG WALANG UTANG NA LOOB SA MGA GURO. INYO NA 'YANG NOBLE NOBLE PROFESSION NINYO. PAGOD NA AKO.

Papasok pa rin naman ako bukas. Pipilitin pa rin ang sariling bumangon sa umaga. Pipilitin pa ring magturo. Pipilitin pa rin kasi mahirap pa rin ang walang trabaho. Pipilitin kasi, kung wala kami para pagmalasakitan ang bansang 'to, paano naman ang mga bata. Kung hanggang kailan pa kaya, aba ewan. Pag nawalan ako ng pakialam, ayawan na.

reddit.com
u/ANNemployed — 11 days ago

Toy Story 5 no longer like 1-3, but still hits the spot

I watched Toy Story 5 and I enjoyed it. It's not as goated as the first 3. I am one of those people na naniniwala na Toy Story 1, 2 and 3 ay ang complete story na ng Toy Story franchise. Napanood ko rin naman ang 4 and I also enjoyed it. I even remember crying noong nanood ako. But I still get why people don't like it. Pero I have just realized the purpose why there still is 4, and now 5. Probably some people know this already, or probably have different opinions about it, but give me grace. Ngayon lang ako nakanood ng Toy Story film with my own adult, hard-earned money. Upon watching, every nod sa mga nagdaang Toy Story films warms the heart. It's purpose is to resonate to the kids who grew up watching the Toy Story franchise. To awaken the child in us and relive our child-like wonder. And it's not just for the kids who watched them in cinema during that time pero sa mga batang pinalaki pa rin sa Toy Story at palalakihin sa Toy Story. Iba yung tagos sa puso ng nostalgia at saya noong nagkaroon ng callback sa maraming Buzz gaya dati ng mga Buzz sa shelf ng Al's Toy barn. They also feel like they're this film's green aliens. Noong nag operate sila ng crane, 'di ko napigilang sabihing, "The claaaaw." Even the callback on Zurg being their father made me chuckle. 'Yung scene na umakyat ng sasakyan sina Woody at Buzz, took me back to the first one. Pati na rin noong nakakalipad na 'yung mga Buzz, at nang sabihin nina Woody na "flying with style." It may not be as good as the first 3, but Toy Story 5 called forth the kid who used to watch the first three, noong panahong unbridled pa siya ng responsibilities.

Ohhhh last one. I also liked the fact that they did not create the story to just say, "The tech bad, the toys good."

reddit.com
u/ANNemployed — 16 days ago

If your younger self will see you today, how do you think will they react?

What would be their first impression of you? Will they like what they'll see? Will they trust you for an advice or if they needed help? Do you have to care about what that child thinks? Why or why not?

reddit.com
u/ANNemployed — 2 months ago

Kung gagawing pelikula ang buhay mo, sinong gaganap?

In one of the seminars I attended, the speaker asked this question. I think I want mine to be Jolina because of her fashion style back in the days. Saka ka-height na rin. Kayo ba, sino ang akmang gumanap ng kwento ng buhay ninyo?

reddit.com
u/ANNemployed — 2 months ago

Alam kong marami nang natanggap na papuri ang Bangaw pero I cannot help but add. Bago pa man ako manood, iniisip ko na kung paano nila isasalin sa konteksto ang libro. Kung ano ang mananatili at ano ang mababago. Naangkop naman ang mga naging pagbabago. May mapupuna ka lang sa pag-awit ng ilan, pero maganda pa rin naman. Magaling ang mga bata na gumanap. The songs are also good. People said it is disturbing pero marahil dahil alam ko ang kwento ng libro kaya hindi na rin ako gaanong nagulat.

I was actually worried kasi nabasa ko yung tungkol sa blood stains. Naka-pink pa naman ako. Buti na lang at wala naman na.

Commend ko rin boses ng gumanap na Simone (Simon sa book) at Tiny (is she supposed to be Percival or amalgamation siya ng littluns). Magaling din ang gumanap na Robert. Effective din ang Jack.

Cons: Mag VIP kung trentahin na. Huwag mag regular. Wala kang sandalan. Masakit sa likod, mami.

u/ANNemployed — 2 months ago

Manonood po ako ng theater prod sa FEU center for the Arts. Anong pwedeng sakyan mula Bambang station at paano rin pabalik? Salamat po.

reddit.com
u/ANNemployed — 2 months ago

Paano po makapunta from SM Bacoor to FEU center of the Arts? May FEU theater guild prod po kasi na panonoorin. O kaya po ay kung mag LRT sa PITX, ano pong bababaan na station at ano pong sasakyan after para papunta? Maraming salamat po.

reddit.com
u/ANNemployed — 2 months ago