u/Actual_Bill2028

▲ 3 r/utangPH+1 crossposts

Ex kong may utang sakin na 16k for 2 yrs. Gusto kong singilin dahil biglang yaman. Tama ba?

Problem/Goal: Gusto ko na sana siningilin ex ko na may utang sakin ng ₱16k. Problema, yung listahan ko na nagpapatunay na ₱16k yon, nasa messenger/fb ko dati na di ko na maaccess. Nandun sa conversation namin, halaga nalang naaalala ko pero di ko na naaalala kung paano umabot yon ng ganung amount. Di kami nag end in good terms, pinost ko siya sa fb dahil ayaw nya magpatinag non. Umabot na sa point na ni piso ala ako pero di niya ko mabayaran, weight ko bumaba from 75kg bumagsak ng 55kg dahil nag cheat siya at ulit ulit na nang bakla. Nagkasakit na ako pero ala siyang konsensya. Pero nakikita ko nakakapag inom pa. Nakapag handa pa nung bday niya, nakapag arkila pa ng resort. Glad I came out of that situation at nasa healthy rs na now.

Context: Bigla siyang nagka clothing line na umabot na ng 11k followers sa fb. Nakakuha nadin siya ng influencers para nag model, sure naman may tf yun no. Ilang months nadin yon at nakapag labas narin naman siya ng madaming design. So safe to say na okay siya financially. Ang kaso, nung time na hindi nya na ako mabayaran at nagkakasamaan na ng loob. Pinost ko siya sa fb. Inexpose mga pang ccheat niya at mga conversations na minumura niya ako dahil lang galit na ako at ayaw niya mag bayad. Kasi ako walang makain literal.

Ayaw niya ko bayaran ng maayos. I was 22 back then, nauuna pa emotions ko kesa sa pag iisip. Tapos siya may ganang mag handa ng party? Mag rent ng resort at bumili ng sangkatutak na alak? May time pa na 4 days tubig lang laman ng tiyan ko. Aware siya dun, pero wala siyang konsensya. Ngayon nabubuhay lahat ng galit at inis ko, ang unfair. Hindi pa okay buhay ko, nag sstart palang ulit ako at part siya ng pagkalugmok ko non. Instead na kinakarma dapat siya, bakit biglang yaman niya? Biglang okay? Tapos ako nagpapakapagod magtrabaho. Gusto ko lang kuhanin pera ko kasi deserve ko makuha yun. Pero di ko alam if worth the hassle and the drama pa. Ilang araw nadin to nasa isip ko. Di ko alam if mag rreach out pa ako. Add ko lang na few months ago, nag follow request pa siya sakin sa ig pero di ko inaccept.

Previous Attempts: Nag reach out lang ako dun sa mutual friend namin na ginawa niyang model ng line niya kung siya ba talaga may ari nung brand. Confirmed, kanya nga.

Edit: For additional context, nakuha niya as model si Lei Leal, Jersey Obispo and couple KeithJuan. So safe to say may pera na siguro talaga no? Haha

reddit.com
u/Actual_Bill2028 — 10 days ago