KAKAYANIN KAHIT BAON NA SA UTANG
May utang ako sa FidoPh, pesoloan, gcash, billease, kredivo, honeyloan, cashify, juanhand at iba pang mga illegal olas.
From December to April, I had to borrow money from OLAs. My work is commission-based at nagkataon na sobrang tumal ng commission ko from work for months. Biglang nagtaas ang mga bilihin at mahal ang upa. Ayaw ko man sanang mag-loan, kaso it’s so hard to survive lalo na sa ekonomiyang ‘to.
Araw-araw kong iniisip kung saan ako ulit kukuha ng perang pambayad kaya ang last resort, tapal system. Ang hirap. Ngayon pa lang ako bumabangon, pero halos lahat ng sweldo ay ibinabayad kaagad sa mga loan. Idagdag mo na rin ang anxiety everytime na nakakatanggap ng harrA$sment at thr3ats. Hiyang-hiya ako lalo na’t namessage din ang mga ka-work.
I made a tough decision. Binenta ko ang baka na regalo sa’kin ni papa nung nag-graduate ako. Sa isang bagsak, yung 40k, nawala sa isang iglap gawa ng bills at loan. Wala pang isang oras. Mahirap, pero mas mahirap mabaon sa utang.
Fully paid na limang loans. Mejo nabawasan kaunti ng tinik. Nawa’y makakabayad ulit ng utang sa June! Kaya natin to!