Tanong lng nag cheat ba ex ko or wala?
Matagal na itong nangyari, pero paminsan-minsan, napapaisip pa rin ako if kung nag cheat ba siya sa akin o wla? Gusto ko lang marinig ang mga opinyon ninyo para matapos na ang pag-iisip ko about sa nangyare. Pero di ito ang reason kung bakit nag break kami.
Naging cold yung ex ko for two weeks maikli, mabagal, at dry na yung replies niya, which hindi naman siya dati. Dati kasi masaya kami mag-usap at ramdam ko talagang gusto niya akong kausap. Iniisip ko baka dahil naging busy ako sa studies at konti na lang oras ko para sa kanya.
Kaya gusto kong bumawi at ayusin lahat, so niyaya ko siya mag-date kumain tapos sine. Habang nasa sinehan kami, lumabas siya para mag-CR. Dahil may pinagseselosan akong “childhood friend” niya na laging nagre-react at comment sa posts niya, naging curious ako at chineck ko chats nila.
Doon ko nalaman na habang halos hindi kami nag-uusap for two weeks, lagi pala silang magka-chat. Nagsesendan sila updates, pics, at napansin kong nagfi-flirt yung guy sa kanya. May “I love you” pa nga. Hindi naman siya nagre-reply ng ganoon, pero parang gusto niya yung attention kasi hinahayaan niya lang. Alam din nung guy na may boyfriend siya.
Pagbalik niya, nakita niya akong umiiyak. Cinomfort niya ako at sinabi na friends lang daw talaga sila at wala akong dapat ikatakot. After nun, sinabi niya na okay na raw lahat, hindi na raw siya makikipag-chat sa guy at dinelete na niya yung convo nila habang niyayakap niya ako. Sinabi rin niya na hindi naman sila magkikita kasi malayo sila sa isa’t isa.