u/Any_Blacksmith766

Grabe 'yung kapal ng mukha ng ex ko. Nagmamakaawa para sa gamot ng bago niyang anak, pero sa anak namin walang ambag.

Hi, Reddit. Gusto ko lang mag-vent kasi sumasabog na ako sa inis at sama ng loob ngayon.

Para sa context: may anak kami ng ex-BF ko. First family kami pero hindi kami kasal. Naghiwalay kami at ngayon may bago na siyang pamilya (di rin kasal)
Heto ang rants ko kasi hindi ko na talaga ma-take 'yung ka-unfair-an ng buhay at 'yung kakapalan ng mukha niya.
Kanina lang, nag-message siya sa akin. Nagmamakaawa kung pwede raw makahingi o bilhin 'yung ointment ng anak ko. Nakita niya raw kasi na pareho ng gamit 'yung anak ko at 'yung anak niya sa bagong pamilya niya. Out of stock na raw kasi kahit saan at hindi siya makahanap.
Napaiyak na lang ako sa galit habang binabasa 'yung chat niya. Sana lahat ng effort na ginagawa niya ngayon para sa bago niyang anak, nagawa niya rin sa anak namin.
Kapag ang anak namin ang may kailangan, halos hindi siya mahagilap. Ni hindi nag-e-effort. Don't get me wrong, working mom ako at kaya kong buhayin at tustusan ang anak ko nang mag-isa. Ang tanging ambag lang niya ay pumunta sa condo ko para makita ang bata kapag BORED siya. Malapit kasi ang workplace niya sa amin, kaya pumupunta siya roon madalas kapag lunch break and yung 2 yaya and anak ko lang yung nandoon

May isang instance pa na nagkuwento 'yung yaya ng anak ko. Pumasok daw itong ex ko sa condo na may dalang McDo. Siyempre, tuwang-tuwa 'yung anak ko, akala niya para sa kanya. Paborito ng bata, eh. Ang ending? HINDI pala para sa kanya. Para pala sa bago niyang pamilya 'yun! Ang masakit pa, nagalit pa daw si ex kasi muntik nang makain ng anak namin. Like, bakit mo dadalhin sa harap ng anak mo kung hindi naman pala para sa kanya?! Ang laking trauma nun sa bata.

Noong ma-admit din sa ospital ang anak namin dati, ni anino niya hindi nagpakita. Nag-message ako sa kanya para magpabili ng gamot kasi nandoon ako sa loob at nag-aasikaso, ang daling isagot na "wala akong pera." Tapos ngayon, kung maka-effort siyang maghanap at mag-alok na bilhin 'yung gamot ko para sa bago niyang pamilya, wagas?
Ang unfair lang talaga. Paano nasisikmura ng isang ama na tiisin ang sarili niyang panganay habang ibinibigay ang buong mundo sa bago niyang pamilya? Deserve ba ng anak ko na ituring na parang option o second-class citizen ng sarili niyang tatay?

reddit.com
u/Any_Blacksmith766 — 1 day ago

Short Stay in tac (6 hours)

Hain po it may short stay didi ha tacloban? We just need a room to stay ( less than 6 hours) we are from samar kasi and need la mapapahuwayan before mag pa airport.

Damo nga salamat

reddit.com
u/Any_Blacksmith766 — 6 days ago