Need advice: Gusto kong i-ban ang online gambling sa computer shop ko.

May computer shop at piso tablet business ako. Registered naman ito sa DTI, BIR, at LGU.

Lately, napapansin ko na dumarami ang mga dumadayo sa shop namin para maglaro ng online gambling. Oo, customers at dagdag kita rin sila, pero mas nangingibabaw na ang concern ko sa safety—para sa sarili ko, sa staff ko, at sa iba naming customers. Marami rin kasing kabataan at menor de edad ang regular na gumagamit ng shop.

Kinausap ko na rin ang technician namin para i-block ang access sa mga online gambling sites. Plano ko rin maglagay ng announcement na bawal ang paglalaro ng online gambling sa loob ng shop.

Nag-research din ako kung may batas, ordinansa, o regulation na tahasang nagbabawal sa online gambling sa mga pampublikong establishments, lalo na sa mga lugar na karaniwang pinupuntahan ng mga menor de edad. Sa ngayon, wala akong makitang malinaw na legal basis na puwede kong gawing sandigan para sa policy na ito.

Sa tingin ninyo, ano ang pinakamagandang gawin? Bilang business owner, sapat na bang gumawa ako ng sariling house rules at i-ban ang online gambling sa shop, o kailangan ko pa ng legal basis? Kung may alam kayong batas, ordinansa, o experience sa ganitong sitwasyon, malaking tulong ang maibabahagi ninyo.

reddit.com
u/Anyatics — 13 hours ago

Need advice: Dumarami ang naglalaro ng online casino sa computer shop ko.

New Sim Card

Last March bumili ako ng TM Sim Card, hindi ko masyadong gamit ito since pang-emergency ko lang sya kapag may napuntahan akong area na walang signal ang TNT. Ngayon, need kong gumawa ng new fb account para work ko ( para hiwalay yung personal ko sa chismosang HR namin ) ay may commercial.

Upon signing ng info ko, hindi makapagproceed dahil daw yung phone number ko is registered na. So, napaisip ko baka nga nagamit ko na yung simcard ko noon. Ginawa ko tinype ko yung number ko sabay forgot password ar nakareceive naman ako ng OTP.

Laging gulat ko na hindi ako at hindi ko kilala yung may-ari ng account. Then, cheneck ko post nya at messages nya way back 6 years ago pa. Medyo nabahala rin ako dahil meron syang isang kausap sa messenger na parang iniiscam nya.

Worry ko lang, baka madamay ako dahil yung nakabind na account nya is number ko at itong sim card na gamit ko ay nakaregister na rin sa NTC.

ANO ANG PWEDENG GAWIN. LETCHE RIN KASING TUMAWAG SA GLOBE/TM

reddit.com
u/Anyatics — 12 days ago