u/ApplicationMany6953

Backstabbed

So yung friend ko eh magkasama kami sa work now. Tagal na naming friends kaya kilala talaga namin ang isa’t isa.

Ang gusto ko lang talaga mangyari sa work ay magkaroon ng peace of mind. Which is naachieve ko talaga dito. Hindi para mapromote or what. Basta stable ako sa position ko.

Ngayon, yung friend ko kasi is nasasama sa isang issue na involved ang management. Sad to say, ang pangit na ng image niya.

Kinausap ako ng HR because of him. Sinabi ng HR sa akin na nakarating daw sakanila na ang dami ko daw reklamo sa bagong boss namin (kakahire lang this yr).

Gulat na gulat ako kasi bakit ako nadamay? Eh siya yung maraming issue sa boss namin? Siya yung laging galit. Siya yung maraming pinupuna.

Then, nalaman ko pa na binabackstab niya ako pag kaharap yung mga boss na yun. (Diba, gago?) sinabi niya na wala daw kami iba ginawa ng colleagues ko kung hindi mag chismisan. Kahit siya naman yung mahilig mag simula ng topic na labas nung work discussion namin.

Ang lala talaga. Nakakabwisit. Kaya yung mga manager namin, nag tataka sila kung magkaibigan daw kami kasi kung ilaglag daw ako eh parang hindi daw ako kaibigan.

Hindi ko kinakaya talaga. Sobrang disappointed ako. Hindi ko akalain na gagawin sa akin to.

Mahuli ka sana na may ibang trabaho habang nasa shift ka.

reddit.com
u/ApplicationMany6953 — 10 days ago