u/Artistic_Test_2734

Merong nagtayo ng warehouse dito sa subdivision namin na nagiging sanhi ng perwisyo sa mga kalapit na residente. Hindi po gated ang subdivision at walang HOA. Yung lote ay ginagamit na imbakan ng mga ilang equipment at trays para sa business nila sa palengke, at garahe ng mga refrigerated trucks kung saan nakaimbak yung mga frozen meats. Maghapon at magdamag naka-on yung makina ng mga trucks so maingay. Ang pinakamalalang epekto ay yung sobrang bahong amoy na nagmumula sa nga likidong tumutulo mula sa mga truck lalo na kapag nagbababa sila ng mga kargamento mula dito at dinadala sa pwesto nila sa palengke.

Naireport ko na ito sa LGU at meron na silang multiple violation tickets mula sa CENRO at Sanidad, naka-3rd offense na rin. Nag inspect ang Engineering office at napag alaman nilang walang bldg permit at pinadalhan na ng 3rd at final notice ang owner to obtain a bldg permit pero 5 months na ang nakalipas pero hindi pa rin nagcocomply ang owner. Recently, nag-follow up ako ulit sa Engineering office at sinabi nilang ieendorse na daw sa City Legal office para sa next action.

According to zoning office, bago makakuha ng kahit anong permit ay kailangan muna dumaan sa kanila para makakuha ng locational clearance. Ang kaso, pag nag apply ang owner idedeny daw nila agad dahil hindi compatible ang eatablishment sa residential area. Humingi din ako ng copy ng zoning ordinance to verify anong mga allowed uses sa residential area, at wala ngang nakalagay na warehouse or trucking na pinapayagan.

Ano po usually ang nagiging action kapag umabot na sa City Legal Office?

reddit.com
u/Artistic_Test_2734 — 20 days ago
▲ 6 r/LawPH

u/Artistic_Test_2734 — 21 days ago