u/Ayabenlevi

Magresign sa work

1 year and 6 months na ako sa work ko ngayon. Galing ako sa ok na environment na company. Ok ang work, ok ang teammates pero sadyang kailangan ko lang ng mas mataas na sahod kaya ako lumipat. Andito ako ngayon sa work na mentally draining at ung increment ng sahod ko mula sa previous job ko ay konti lang dahil sa tax, kaya ang ending parang halos same lang sa previous sahod ko.

Ngayon parang gusto ko na magresign, gumawa na akong CV at nagsend sa mga opening ngayon kaso wala pang balita sa recruiters. Ang nangyayari ngayon sakin parang tinatamad na ako sa work at ginagawa ko nalang yung napaka bare minimum. Ang lungkot dahil alam kong kaya ko naman ayusin yung sarili ko kaso sobrang draining na ang trabaho. Kapag lunes kinakabahan na ko, kapag kailangan ko magleave kinakabahan na rin akong magpaalam.

Ang catch e parang di ko nakikitaan ng sense of fulfillment tong work ko ngayon pero still thankful ako dahil sa sahod ay nakakapagambag ako sa bahay pero sadyang parang nararamdaman kong mababaliw ako kung tatagal talaga ako sa work na to. Parang ang draining umabot maski 2 years man lang dito

Ayun lang. Salamat

reddit.com
u/Ayabenlevi — 7 days ago

Vybe BPI online bills payment issue

Magbabayad na sana ako ng cc ko today kaso nagkakaerror. Payment unsuccessful kahit nakatatlong tries ako 😰 kanina ang hirap rin magcash in dahil ang bagal ng BPI. Jusko nung isang araw pa sila may problema

Pero nung nakita ko naman post nila sa FB balik normal naman na daw ang mobile banking services pero ang bagal pa rin sakin

reddit.com
u/Ayabenlevi — 21 days ago