Hindi Ako Maganda.
I was at a bar with 3 of my friends yesterday. First time namin sa bar na ito at masarap ang drinks at nakilala rin namin yung bartender (babae). Mabait and very bubbly, gave us free shots too!
At the end of the night nung paalis na kami, sabi samin na mag picture. Group shot. Pagkatapos, inaya kami ng bartender na magpapicture sakanya isa isa kasi ang gaganda daw ng mga friends ko. Samantalang ako, di niya ako tinawag at wala kaming picture na magkasama. Puro friends ko lang. Not me.
In all honesty, magaganda naman talaga mga kaibigan ko. Mapuputi, petite, lahat na sakanila. Alam mong pasok sa standards ng society. Habang ako, the complete opposite.
Nalungkot lang ako noong gabing yun kasi alam ko sa sarili ko na.. Hindi Ako Maganda.
Ayun lang.