Only girl sa family and planning to come out at 22 para ipakilala gf ko
Context: Hi po. I’m 22 years old and only girl/only daughter sa family. I’ve been thinking a lot lately about coming out to my parents because gusto ko na sana ipakilala yung girlfriend ko nang maayos and hindi patago.
Hindi naman ako natatakot sa identity ko or sa sasabihin ng ibang tao, pero natatakot ako mawalan ng freedom or magbago yung treatment nila sakin after.
Close naman kami ng family ko kaya siguro mas mabigat for me. Feeling ko kasi may expectations sila dahil ako lang yung babae. Natatakot ako na baka biglang higpitan ako or hindi nila maintindihan agad kahit adult naman na ako.
Sa mga wlw dito especially sa mga only daughter din, paano kayo nag-out sa parents niyo and ano naging reaction nila? May regret ba kayo sa timing or mas naging okay after? Nagbago ba relationship niyo with them? Paano niyo rin inintroduce girlfriend niyo eventually?
Need ko lang siguro makarinig ng experiences from people who went through the same thing :(