Gigil ako sa mga feeling know-it-all
There’s a facebook group for visa-related inquiries for a specific country where the admins act as if they’re consuls. Kapag nag-disagree ka sa kanila, or mag-share ka ng experience that differs from theirs or the majority, even if mali sila and there have been instances na nag-peddle sila mismo ng maling information, at kinall out mo sila, tatanggalin ka sa group or pagtutulungan ka ng admins.
I get that groups like that exist for helping each other out pero ang daming admins and mods na feeling know-it-all sa process ng visa approvals. Hindi nila minsan magets na may rare cases, kaya ang daming nacoconfuse din na applicants na mas nakikinig pa sa admins kesa sa direct info and advise na minsan from the application center and the embassy itself.
Nakakainis lang haha, kapag di tugma yung experience mo or opinion mo sa opinion ng admins, tatanggalin ka nila sa group or pagtatawanan yung comments mo na para bang sila lang yung tama. Feeling nila sila lang yung tama, na para bang sila yung consul sa embassy. Sabay magmemessage lang sa insta ng application center para tanungin din sila, jusko.