Iyak malala habang nasa call with client
Sinugod client ko sa hospital a month ago, wala ako confirmation kung ano yung sakit nya pero dahil close kami and palagi kami magkausap alam ko na nagpapacheckup siya ng lungs niya. Fast forward today nag chat sya kung pwede ba daw ako kausapin ng kapatid niya. Sobra close namin ni client, almost 7 years na ata ako nagwowork for her.
Kanina ko nalaman na may cancer siya hindi na sinabi kung ano stage pero second chemo nya daw din kanina. Gusto lang nila sabihin sakin kasi alam nila medyo nahirapan ako sa work now dahil ako lang employee niya and mga clients namin nag aask kung nasaan siya.
Nung after ako sabihan ng kapatid niya, nag ask siya if gusto ko daw ba kausapin client ko. Nag yes naman ako agad and pucha, ayun naiyak nalang ako. Sabi ko sorry if yung boses ko para ako umiiyak, kasi umiiyak tlga ako. Ramdam ko sa boses niya na masakit yung pakiramdam niya and that pains me as well.
Araw araw nagdarasal ako na sana maging ok siya hindi para sa trabaho ko kung hindi para sa ikakagaling talaga niya.
Hayyyyy