u/ChocooButternut

Bakit lagi nalang failed sa mga job Interviews?

Hindi pala masakit i-ghost ng mga HR for 3 days , for weeks , Months, after job interview. Mas masakit pala pag nag email yung HR na di ka pumasa sa interview nila😭😭 Ang daming pumapasok sa utak ko , Alam ko naman ginalingan ko naman nung ini-interview ako , nasasagot ko mga tanong . Anong kulang? 😭🥺 Nakaka frustrate. Ilang months na kong un-employed💔 Sa sobrang hiya ko dito sa bahay namin . Minsan sa isang araw nalang ako kumakain para di maging mas pabigat . Gumagawa naman ako mga gawaing bahay . Di gaya dati ako nabili ng mga groceries naming mga pagkain. Ngayon, ni barya wala na ko mai-abot sa mama ko😭 Yung ipon ko naubos na kaka-apply ko wala naman napapala . Hindi pa pala sapat yung 2 years experiences sa (Housekeeping) para makahanap ng panibagong trabaho😭 Suko na ko💔💔

reddit.com
u/ChocooButternut — 4 days ago